^

PSN Opinyon

Babala ng DOH sa red tide

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

NAPAG-USAPAN namin ng aking anak na si Sen. Jinggoy Ejercito Estrada ang panibagong babala ng Department of Health (DOH) tungkol sa kontaminasyon ng red tide toxin sa ilang lamandagat sa anim na lawa sa maraming lugar sa bansa.

Ayon sa DOH, ang babala ay kanilang ipinalabas base sa kumpirmasyon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ng Department of Agriculture (BFAR-DA), na nakitaan umano ng naturang toxin ang mga sample ng “alamang” at shellfish (tahong at iba pa) na nakuha sa Honda Bay sa Palawan, Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur, Matarinao Bay sa Eastern Samar, Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte at Misamis Occidental; Sorso­gon Bay sa Sorsogon; gayundin sa Carigara Bay sa Leyte.

Mahigpit ang babala at ginagawang pagbabantay laban sa paghuli, pagbebenta at pagkain ng naturang mga lamang-dagat sa mga apektadong lugar dahil sa matinding peligro nito sa kalusugan na sa marami nang mga pagka­ kataon ay nagresulta pa sa kamatayan.

Ang red tide ay itinuturing na isang phenomenon kung saan ay halos nagiging kulay pula ang ilang bahagi ng katubigan dahil sa presensiya ng napakaraming “algae” na nagtataglay ng toxin. Ito ay karaniwang nangyayari sa panahon ng madalas na pagsasalit-salit ng malakas na pag-ulan at matinding pagsikat ng araw. Halos taun-taon itong nangyayari hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa napakarami pang mga bansa. Ilan sa mga sintomas ng pagka-apekto ng red tide toxin sa tao ay ang grabeng pagkahilo, pananakit ng tiyan, pag­su­suka, diarrhea, panga­ngati ng bi­big at mukha, at kahi­rapan sa paghinga.

Mahalagang maipaunawa nang sapat sa publiko ang usa­ping ito. Para naman sa mga ka­ ba­­bayan natin na naka­depende ang pagha­hanapbuhay sa paghuli at pagbe­benta ng mga nabanggit na mga apek­­tadong uri ng la­mang-dagat, pan­saman­talang hu­manap muna sila ng ibang pagka­kakitaan, kung saan ay nagbi­bigay naman ng ayu­da ang pa­mahalaan sa ga­nitong sit­was­yon. Sundin ang babala ng DOH.

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

CARIGARA BAY

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

DEPARTMENT OF HEALTH

DUMANQUILLAS BAY

EASTERN SAMAR

HONDA BAY

JINGGOY EJERCITO ESTRADA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with