^

PSN Opinyon

Larong buko

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

“HOW will you manage a hostage situation?” Dapat bang itanong na rin ito sa sa mga nagpiprisintang lingkod bayan? Maaring eksaherado subalit malinaw ang punto: gaano katagal at kamahal na matrikula ang babayaran ng bayan habang ang mga tinyente ng presidente ay nag-rerepaso pa sa kanilang mga katungkulan? Hanggang sa anong punto maaring patawarin ang isang may hawak na posisyon sa kanyang mga pagkukulang – kailan ito nagiging hindi mapatawad na kasalanan?

Muling lumitaw ang ugaling sumbatero ng Pilipino. Kanya-kanyang kuro-kuro ng tamang paraan ng paghawak sa krisis. Hindi tayo masisisi dahil trahedya ang kinahinatnan. Ang tanong ay ano nang mangyayari ngayon?

Siyempre walang magandang resolusyon sa kabanata kapag hindi mailabas ang katotohanan. At tanging ang isang malaya at independiyenteng imbestigasyon ang makapagbibigay nito. Malaki ang epekto ng agarang pag-file ng indefinite leave ni MPD Director Rodolfo Magtibay, ang ground commander ng mga pulis. Kahit papaano ay nabigyan tayo ng kumpiyansa na, di tulad nung panahon ni GMA, walang pagtatakip o whitewash na mangyayari at pananagutin ang mga mapapatunayang nagkasala.

Ang hinihintay ngayon ay kung ang delicadesang pi­namalas ni Magtibay ay dapat bang asahan din sa mga mas mataas na nanunungkulan. Hiniling  ng oposisyon na pagpaliwanagin ang mga kalihim ng DILG, ng Press Office at ang chief PNP kung bakit nila hindi naalalayan ng mabuti ang sitwasyon. Kung tourist bus ng mga Pinoy ang nabiktima ng ganito sa Hong Kong, pihadong nagresign na ngayon sa kahihiyan ang pinakamataas na ministro ng kagawaran na may kinalaman sa pangyayari. Siyempre, mayorya ng taga HK ay mapapasaya kung ang mga nabanggit na opis­yal ay makahanap din ng ganoong klaseng delikadesa.

Mahirap na desisyon ang hinaharap ng mga sang­kot na opisyal – maaring sa kanilang opinyon ay napaka­bago nila sa puwesto upang hingan ng pananagutan. Katunayan ay nagulat ang madla nang kaswal na ami­nin ni Sec. Robredo na nung napansin na niyang nasusundan ni Mendoza sa TV ang mga pangyayari sa labas, hindi niya sinigurado na ipatigil ito dahil akala niya ay may umasikaso nang iba! Kung ganito sila ka-relaxed, hindi nila nakikita na ang bawat araw sa puwesto ay pagsubok – hahamunin talaga ang iyong kakayahan at kung hindi ka mag-ingat, doon ka pupulutin sa kangkungan.

Maging si P-Noy ay dapat ding timbangin ang merito sa suhestiyong  pagbitiwin ang kanyang mga tenyente.

Masyadong mahal ang matrikula bago tuluyang matigil ang larong buko at masanay sila sa kanilang katungkulan.

DAPAT

DIRECTOR RODOLFO MAGTIBAY

HANGGANG

HINILING

HONG KONG

KAHIT

PRESS OFFICE

SIYEMPRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with