^

PSN Opinyon

'Peke, counterfeit at expired'

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

USO ngayon ang sakit, lalo sa panahon ngayon ubo, sipon, trangkaso at ang kinatatakutang dengue.

Kaya naman matao ang mga botika at bilihan ng gamot. Wala kasing pinipili ang sakit, mula bata, pati matanda hindi pinalalagpas ng karamdaman.

Babala: Mag-ingat sa mga nabibili niyong gamot. Sa kabila ng pagdami ng mga tinatamaan ng sakit, laganap ang mga peke, counterfeit, expired at mapanganib na gamot.

Peke, dahil arina o mga pekeng pulbos lamang ang la­man ng mga kapsula o ng tableta.

Counterfeit dahil maaaring tunay ang laman ng ga­mot subalit may halo, kumbaga hindi na iyon ang ori­hinal na pagkakagawa o content.

Expired dahil may ilang malikhain na binubura ang expiration date na nakalagay sa pakete ng gamot.

Kung hindi naman mabubura, nakakalusot, doon sa mga hindi mabusising mamimili.

Mapanganib dahil mapa-imported o local man ito, hin­di naman dumaan sa pagsusuri ng Bureau of Food and Drugs (BFAD) upang maaprubahan kung puwede nga itong pangkonsumo ng tao.

Kalimitan, ang mga ganitong medisina o gamot na tinu­tukoy ng BITAG ay nabibili sa mga bangketa, di-re­his­­tradong botika at iba pang fly by night pharmacies.

At kung minsan may nabibili pa ng maramihan sa mga on line selling sa internet, kabilang na rito ang mga herbal supplements, bitamina at iba pa.

Ilan lamang sa mga palatandaan ay kataka-taka ang mura nitong halaga kumpara sa tunay na presyo nito sa merkado.

Kung makilatis kang tao, mapapansin mo agad ang kaibahan ng pakete o lalag­yan ng mga gamot na ito.

Merong nabubura na ang tatak, bogus ang pa­ngalan ng kumpanya at teleponong nakasulat, mali-mali ang ispeling na nakasulat at ang masaklap, expired na ang petsa na dapat ikonsumo ang gamot.

Kwidaw sa estilong ito dahil marami ang nagogoyo lalo na kung hindi mo hawak ang tunay na produkto para ikumpara sa mga ito. Sa kolum na ito, nagbibigay kami ng babala sa lahat. Nais rin naming hikayatin ang sinumang may impormasyon hinggil sa gawaan, bentahan at pagpapakalat ng fake, counterfeit at expired medicines.

Makipag-ugnayan agad sa aming tanggapan, kasama ang mga otoridad at ahensiya ng pamahalaan, ihahanda namin ang lambat na sisilo sa sindikatong nasa likod nito.

BABALA

GAMOT

ILAN

KALIMITAN

KAYA

KWIDAW

MAKIPAG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with