^

PSN Opinyon

Mga diabetikong pasyenteng ipinapuputol ang paa!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

HUMAHABA na ang listahan ng mga diabetikong pas-yenteng aming iniimbestigahan.

Mga pasyenteng malala ang sakit na diabetes. Pinayuhan na sila ng kanilang mga duktor na putulin na ang nabubulok nilang mga paa.

Simula nang pagpasok ng taong ito, seryoso naming tinutukan at inere ang aming imbestigasyon sa UNTV.

Walo na sa mga ito ay nagpakita na ng positibong resulta, “gumaling” pagkatapos ng 90 araw. Ito’y sa pa­mamagitan lamang ng pag-inom ng food supplement, ang KING’s Herbal ng herbalist na si Rey Herrera.

Apat ang mga na-disqualify. Ang dahilan hindi sinunod ang napagkasunduang patakaran sa ilalim ng pagmo-monitor ng BITAG. Dalawa, nagdesisyong mag-drop out. Walang sinabing dahilan.

May mga duktor na tumutulong sa aming imbestigasyon. Ito ‘yung mga duktor na hindi naniniwala sa mga herbal supplement.

Subalit nakatulong ang mga duktor na ito sa pamamagitan ng pagbigay ng kanilang mga “inputs” sa pamantayan ng aming pag-i-imbestiga.

Sa unang araw pa lang kinukuhanan na namin ng video ang kalagayan ng bawat pasyente. Hanggang sa matapos ang 30 araw, hanggang sa 60 araw at pinakahuli ang 90 araw.

Hindi puwedeng kilalanin, alamin at pakialaman ni Rey Herrera ang mga pasyenteng ito habang nasa ilalim ng aming pag-iimbestiga sa loob ng 90 araw.

Panawagan namin sa mga pasyenteng may malalang diabetes na pinayuhan na ng kanilang duktor na putulin ang kanilang nabubulok na paa, makipag-ugnayan agad sa BITAG kung gusto niyong lumahok.

May waiver na ibibigay sa inyo upang basahin ng maigi bago pirmahan. “LIBRE ito! Wala itong bayad”. Ito’y hangga’t kayo’y nasa ilalim ng aming imbestigasyon sa loob ng 90 araw.

Sa kalagitnaan ng susunod na taon, ipagpapa­ubaya namin ang mga files ng mga pasyenteng ito sa mga dalubhasa na ang espesyalidad ay diabetes.

Abangan!

ABANGAN

AMING

APAT

ARAW

DALAWA

HANGGANG

PANAWAGAN

REY HERRERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with