^

PSN Opinyon

Handa ang mga Pinoy sa pagdating ng unos

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

NOONG isang araw ay abalang-abala sa paghahanda ang mga Pinoy sa Houston at iba pang mga siyudad. Nabalitaan kasi nila na maaari raw dumating sa anumang oras ang isang hurricane. Mayroon na silang leksiyon sa­pagkat dalawang taon na ang nakararaan, isang hurricane na ang nanalasa sa Texas at karatig na lugar ng Galvezton na pumatay nang maraming tao at sumalanta sa mga ari-arian.

Ang mga Pinoy kapag tungkol na sa bagyo at baha ang pag-uusapan ay mayroon nang malaking takot. Paano’y hindi nila malilimutan ang nangyaring pana­nalasa ni Ondoy sa Metro Manila noong September 26, 2009. Lumubog ang maraming lugar sa Metro partikular ang Marikina na maraming buhay at ari-arian ang nawala at nasalanta. Alam na alam ng mga Pinoy sa Houston ang pangyayari sapagkat ibinabalita ng kanilang mga kamag-anak ang malaking baha.

Hindi masisisi ang mga Pinoy na maghanda sapagkat ang sinilangan nilang bansa ay madalas dalawin ng bagyo. Sanay na sila na kung Hulyo at Agosto ay talaga namang dinadalaw ng bagyo ang Pilipinas at nag-iiwan nang malaking pinsala. Ang iba sa kanila ay karaniwan na lamang na makakita nang lumilipad na yero, naba­baling sanga ng kahoy, nabubuwal na poste ng ilaw, pagbaha at marami pang iba.

Naghahanda ang mga Pinoy sa Houston sa pana­nalasa ng hurricane. At may paniwala ang ma­mamayan na kapag ma­tagal-tagal na hindi dumadalaw ang hurricane, mas malakas daw ang kasunod. Maraming nagha­handa sa­ pagkat ayaw na nilang maulit ang mga nang­yari noon na hindi sila naka­prepara sa pa­nanalasa ng hurricane. Na­ni­niwala naman ako na kayang-kaya ng mga Pinoy na paghan­daan ang pana­nalasa ng unos. Sanay na sila diyan. Matibay sa unos ang mga Pinoy.

AGOSTO

ALAM

GALVEZTON

HULYO

LUMUBOG

MARAMING

METRO MANILA

PINOY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with