^

PSN Opinyon

'Police Tong Unit'

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

Nais kong iparating kay DILG Sec. Jesse Robredo ang pagpatayo ng Camp Crame ng isang operating unit na kung tawagin ay PTU. Hindi itinayo ang PTU para habulin ang mga kriminal sa lansangan Sec. Robredo Sir kundi para mangolekta ng lingguhang intelihensiya sa mga gambling lords sa buong bansa. Sa Camp Crame, ang tawag sa naturang unit ay provisionary training unit subalit sa mga kausap ko “police tong unit” ito. At sa kasalukuyan, hindi ang mga kriminal ang inaatupag hulihin ng PTU kundi ang mga sugal lupa, lalo na yung ayaw magbigay ng lingguhang tong sa kanila dahil sa dapat training unit lang sila. Baka naman tinitraining lang ang mga pulis doon para maging kolektor sila ng lingguhang intelihensiya? Pambihira naman ang Camp Crame at mukhang gagawing professional tong collector pa ang mga pulis. Mukhang me gustong kumita habang papalapit na ang retirement ng mga matataas na PNP officials?

Para sa kaalaman ni Robredo, ang PTU ay pinamumunuan ng isang Maj. Garcia. At tulad ng DILG ang gamit din ng PTU ay sina Rey Cachuela at Ely Fontanilla. Alamin lang ni Robredo kung sino ang amo nina Garcia, Cachuela at Fontanilla at tiyak maaabot niya kung sino ang nasa likod ng tong collection ng PTU. Nakakahiya ang ginagawa ng PTU nina Garcia, Cachuela at Fontanilla dahil sinisigaw ni Aquino na ayaw niya ng “tong” at “tongpats.” Kaya habang namamayagpag ang PTU, aba nababawasan ang kinang ng 85 percent approval rating ni P-Noy. Dapat kumilos si Robredo. Ipaaresto sina Garcia, Cachuela at Fontanilla para maniwala ang taumbayan na “walang tong o tongpats”.

Kung sabagay, kung ang bakuran mismo ni Robredo ay hindi niya kayang walisin ito pa kayang PTU? O baka naman nagbubulag-bulagan lang si Robredo sa tong collection nina Cachuela at Fontanilla? Kung gaano kasi kalakas ng tunog ng pagsisigaw ni Robredo na ayaw niya ng jueteng eh di naman niya naikumpas ang kamay na bakal niya. Pang press release lang yata ang mga binitiwang salita ni Rob­redo sa jueteng? Sa unang ratsada kasi, mukhang sa matuwid na direksiyon o mainit itong si Robredo laban sa jueteng subalit nitong nagdaang mga araw ay tahimik na siya. Dapat habulin ni Robredo sina Maj. Garcia, Cachuela at Fontanilla para maniwala ang taumbayan na seryoso siya sa kampan­ya laban sa jueteng. Kung hindi matitigil itong gawain ng PTU, eh papaano niya mapatigil ang jueteng? Eh di hindi, di ba mga suki? Moro-moro lang pala itong mga binitiwang salita ni Robredo laban sa jueteng, di ba Asec. Bryan Yamsuan Sir? Abangan!

BRYAN YAMSUAN SIR

CACHUELA

CAMP CRAME

DAPAT

ELY FONTANILLA

FONTANILLA

GARCIA

PTU

ROBREDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with