^

PSN Opinyon

Kampanya laban sa child labor

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

KAMI ng aking anak na si Sen. Jinggoy Ejercito Estrada ay natuwa sa positibong balita hinggil sa panibagong pagbuwelo ng kampanya laban sa sapilitang pagpapa­trabaho sa mga bata kung saan ay exposed sila sa pang-aabuso, pagmamaltrato at pagsasamantala. Si Jinggoy, ay matagal nang lumalaban sa ganitong sitwasyon na kinasasadlakan ng mga batang manggagawa.

Iniulat ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na ang Pilipinas at ang International Labor Organization (ILO) ay magpapatupad ng programang inaasahang makaba­bawas nang hanggang 75 porsiyento sa mga insidente ng ganitong uri ng child labor sa bansa. Ang programang “Strengthening National Capacities to Support the Philippine Program Against Child Labor’s Vision of a Child Labor-Free Philippines” na isasagawa katuwang ang ILO-International Program for the Elimination of Child Labor ay may apat na bahagi: Knowledge management, effective­ partnership, area-based services at sustain­ability.

Tinukoy sa programa ang Quezon, Masbate, Northern Samar at Bukidnon na mga pangunahing lugar kung saan ay talamak ang child labor. Ang programa ay magiging kaakibat ng iba pang katulad na hakbangin sa ating bansa na ipinatutupad naman ng United Nations Children’s Fund (Unicef) at iba pang mga pandaigdigang organisasyon na may kaparehong kampanya.

Base sa target, pipilitin ng Pilipinas at ng mga kapartner nito sa nasabing adhikain na ma­sugpo hanggang 2016 ang pang-aabuso sa mga bata. Ang programa ay makabuluhang hakbangin sa pagsagip sa mga bata na sapilitang pinagtatra­baho. Ang mga bata ay dapat binibigyan ng pagkakataon na mag-aral, maglaro at mamuhay nang maayos sa piling ng ka­nilang pamilya. Hindi sila dapat sapilitang pinaghahanapbuhay.

CHILD LABOR-FREE PHILIPPINES

ELIMINATION OF CHILD LABOR

INTERNATIONAL LABOR ORGANIZATION

INTERNATIONAL PROGRAM

JINGGOY EJERCITO ESTRADA

LABOR

LABOR SECRETARY ROSALINDA BALDOZ

NORTHERN SAMAR

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with