^

PSN Opinyon

EDITORYAL - H'wag noodles ang ipakain sa mga bata

-

SAWANG-SAWA o umay na sa instant noodles ang mga estudyante sa elementarya. Karaniwan nang noodles ang kanilang kinakain. At nakapagtataka naman kung bakit nakalusot sa DepEd ang idi-distribute nang mga noodles. Naging kontro-bersiya ang mahal na noodles na ipinakakain sa mga batang nasa elementarya. Mabuti na lang at nadiskubre at pinatigil ni dating DepEd secretary Jesli Lapus ang pamamahagi ng noodles sa mga estudyante. Mula noon, wala nang natatanggap na pagkain para sa Food-for-school program ng DepEd ang mga estudyante sa elementarya.

Ang Food-for-school program ay ginawa sa ilalim ng Arroyo administration, anim na taon na ang nakararaan. Ito ay upang masiguro na ang mga batang papasok ay busog at nang makapag-aral na mabuti. Bago ang mamahaling noodles, bigas ang ipinagkakaloob sa mga bata. Isang kilo ng bigas ang ibinibigay araw-araw sa mga estudyante sa loob ng 95 araw at tatagal ng limang buwan. Ayon sa programa, mahihikayat mag-aral ang mga bata kung sila ay may kakainin. Ayon sa survey kaya, maraming estudyante ang tumitigil sa pag-aaral ay dahil wala silang makain. Mas ginugusto pa nilang maghanap ng ikabubuhay kaysa mag-aral.

Nang itigil ang pamamahagi ng bigas, ang mamahaling noodles naman ang ipinalit pero nabuking naman kaagad. Ang pagkakabuking ang naging dahilan kung bakit nawala ang programa.

Pero ayon kay DSWD secretary Dinky Soliman, may malaking leakages ang programa. Maraming pagkain daw ang hindi nakakarating sa mga bata at sa kanilang pamilya. Kung ganito ang nangyayari, nababalot ng corruption ang programa at sa halip na ang mga bata ang makinabang, mga tiwali pala ang nagpapasasa. Maaaring mas malaki ang napupunta sa bulsa ng mga kurakot kaysa sa sikmura ng mga kawawang bata,

Nararapat maimbestigahan ang mga anomalyang nababalot sa Food-for-school program. Magkaroon din ng pagbabago sa ipakakain sa mga bata. Huwag noodles ang ipagkaloob sa mga bata sapagkat wala silang makukuhang sustansiya. Pampatalinong pagkain ang isilbi sa kanila. Sila ang susunod na henerasyon kaya nararapat alagaan sa masustansiyang pagkain.

ANG FOOD

AYON

BATA

DINKY SOLIMAN

HUWAG

ISANG

JESLI LAPUS

NOODLES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with