^

PSN Opinyon

Bagong simula

- Roy Señeres -

NAGING matahimik ang paglipat ng poder mula kay    Mrs. Gloria Arroyo papunta kay President Noynoy Aquino. Kapansin-pansin na sa proclamation ni Noynoy, ginawa ito sa “broad daylight” samantala ang proclamation ni Mrs. Arroyo ay ginawa sa “cover of darkness” habang tulog ang mga mamamayan.

 Malaki ang pagkakaiba sa pamumuno ni Mrs. Arroyo sa pamumuno ni Noynoy. Una sa lahat, tunay ang pagkahalal kay Noynoy at walang duda na siya talaga ang nanalo. Sa panig naman ni Mrs. Arroyo, patuloy ang pagduda ng mga tao na peke nga siyang presidente hanggang ng siya ay umalis na sa puwesto.

 Kahiya-hiya kay Mrs. Arroyo ang nangyari sa Quirino grandstand kung saan maraming tao ang nag-boo sa kanya, samantalang lahat naman ng tao ay pumalakpak kay Noynoy. Lalong tumindi ang palakpak nang nagsalita na si Noynoy.

 Maraming tao ngayon ang naniniwala na sa pag-upo ni Noynoy, nagsimula na nga ang bagong simula, at ito na rin ang sinabi ni Noynoy sa mga tao na tapos na raw ang panahon ng kasamaan at pagsisinungaling.

 Ang sinabi ni Noynoy na wala nang wangwang at wala ang counter flow ay mga malinaw na simbulo na sa kanyang pamumuno, wala nang pag-aabuso, at siya mismo ang magbibigay ng magandang halimbawa upang ito ay sundin ng mga tao.

 Inulit ni Noynoy na kung walang corrupt ay walang mahirap. Magandang layunin ito, ngunit upang matupad ito, kailangan na lahat ng tao ay magtutulungan. Ang gobyerno ngayon sa ilalim ni Noynoy ay handang manguna tungo sa bagong simula, ngunit upang mauwi ito sa magandang resulta, kailangang sumunod at makiisa na rin ang lahat ng Pilipino.

INULIT

KAHIYA

KAPANSIN

MRS. ARROYO

MRS. GLORIA ARROYO

NOYNOY

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

TAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with