^

PSN Opinyon

Investigation sa PLM ikinasa ni Mayor Lim

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

GUSTUNG-GUSTO ni Manila Mayor Alfredo Lim magsa­gawa ng investigation regarding sa sinasabing racket sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila dahil nagrereklamo ang mga student todits na gustong mag-aral sa nasabing eskuelahan.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Si Secretary to the Mayor Rafaelito Garayblas, ang nakatoka para kalkalin ang isyung ito.

Humingi kasi ng help kay Lim ang ermat ni Analyn, 16 years of age na may isang a.k.a. Boy batang sarado daw ng isang konsehal ang  nag-aalok ng serbisyo para makapasok ang estud­yanteng lumagpak sa examination.

Sa reklamo,  tiniyak umano ni Boy, na makakapasok si Analyn at kaibigan nito sa PLM.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Naniwala ang dalawang students kay Boy porke in and out ang kamote sa office umano ng isang konsehal.

Kinikikilan pa ni Boy ang dalawang pobreng alindahaw na magbigay ng tig-P3,000 para makapag-enroll sila sa PLM.

Ika nga, hanep talaga si kamote!

Ang problema ang pangako ay napako kaya ang dalawang pobreng alindahaw ay nagsumbong kay Garayblas kasi nagising sila sa katotohanan na dehins kaya ng kamote na maipasok sila sa PLM.

Ika nga, nabola ang dalawa.

Hindi biro ang imbestigasyon porke si Lim mismo ang kumakalampag todits at nakatutok.

Abangan.

* * *

Kalat ang BI agents sa NAIA

THIRTY two ang bagong secret agents ng Bureau of Immigration ngayon sa NAIA para tiktikan ang sindikato ng human trafficking at maputol ang kalokohan ng mga ito na bumibiktima ng mga gustong mag-aboard este mali abroad pala.

Sunud-sunod kasi ang operation sa NAIA at sa awa ni Lord ay napaghuhuli ang mga kamoteng sindikato.

Sabi nga, sungkit ang colorum, salisi gang, drug syndicates, mga kamoteng illegal recruiters echetera.

Sa usapin ng illegal drugs hindi bababa sa P200 million sa ngayon ang natimbog ng mga tauhan ni MIAA general manager Melvin A. Matibag dahil nga sa sunud-sunod na impormasyon ang kanilang natanggap mula sa kanilang importer este mali informers pala.

Ang mga kamoteng illegal recruiter na bumibiktima ng mga gustong magtrabaho sa abroad ay huli rin.

Ang mga colorum ay sabit din at naka-impound ang mga sasak­yan nila ng magsagawa sina Magtibay ng all-out war laban todits.

Ang MIAA kasi ang napapasama sa tingin ng mga pasaherong sumasakay sa colorum dahil nagogoyo sila sa pagbabayad.

Sabi nga, mahal ang singil!

Ang grupo naman ng salisi gang ay takot ng gumala sa paliparan dahil may paglalagyan na sila.

Ika nga, sa basurahan.

Sa kabuuan safe ngayon ang mga umaalis at dumarating na passengers sa NAIA dahil sa paniniktik ng bawat ahensiya na kanilang nasasakupan.

Kaya naman saludo ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa mga personnel todits dahil sa job well done.

* * *

Baha bigyan prioridad

LAST Friday night dyan sa Manila grabe as in grabe ang traffic halos ayaw ng umandar ang mga sasakyan dahil sa lalim ng tubig baha.

Inabot ng halos isang oras ang mga sasakyan naipit sa baha samantala ang mga paparating ay halos maubusan naman ng gasolina dahil paikut-ikot sila ng lugar para iwasan ang traffic sa Manila.

Sana mabigyan prayoridad ng government of the Republic of the Philippines my Philippines ang problemang ito.

Sabi nga, ayusin ang problema.

* * *

Atty. Biyong Garing et al

NAGPASALAMAT si Biyong hindi lang sa madlang sabungero na sumuporta sa kanyang pasabong dyan sa Victoria cockpit, arena, sa Oriental Mindoro kundi pati sa mga kuwago ng ORA MISMO at dyaryong PSN.

Ayon kay Biyong, maganda ang kinalabasan ng kanyang pasabong kaya naman tuwang-tuwa ito sa galak.

Sabi nga, THANK YOU!

ANALYN

BIYONG

BIYONG GARING

BUREAU OF IMMIGRATION

DAHIL

IKA

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with