^

PSN Opinyon

Malaking gastos sa oathtaking ni Noy

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

HINDI ko maintindihan kung bakit kailangang gumastos ang gobyerno ng Pilipinas nang mahigit P230 milyon para sa panunumpa bukas ni Noynoy Aquino. Ipinagawa ang Quirino Grandstand kung saan gaganapin ang oath­taking ni Noynoy. Dito rin daw kakanta at makiki­pag­sayaw ang bagong presidente.

Pagwawaldas ng pera ng bayan ang gagawing ito. Malayung-malayo talaga sa oathtaking ceremony ni US Pres. Barack Obama noong 2008. Walang bonggang street party na nangyari sa US.

Bakit hindi na lang gawing simple ang oathtaking? Hindi na dapat gumastos pa ng daang milyon piso. Ma­iintindihan ng ating mga kababayan kung bakit ginawang simple ang inauguration ceremony. Ang mga prominente at mga dignitaries na lamang ang imbitahin sa inaugural dinner.

Sa pagkakaalam ko, si Noynoy ay isang simpleng tao at walang kagarbu-garbo. Kaya nasisiguro kong hindi mani­nibago ang mamamayan kung gawing simple ang inauguration. Nanghihinayang ako sa mga ga­gastusin. Puwede itong magamit sa iba pang maha­halagang pa­nga­­ngailangan ng bayan at naghihirap na mga mamamayan.

BAKIT

BARACK OBAMA

DITO

IPINAGAWA

KAYA

MALAYUNG

NOYNOY

NOYNOY AQUINO

QUIRINO GRANDSTAND

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with