^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Lumobo ang krimen dahil sa baril

-

NOONG hindi pa inaalis ng Philippine National Police­ (PNP) ang gun ban, bihira ang napaulat na nangyaring krimen sa bansa partikular sa Metro Manila. Walang karumal-dumal na krimen na may kaugnayan sa pamamaril mula Enero 10 hanggang Hunyo 11, 2010. Kaya ang hiling nang nakararami sa PNP ay huwag na itong alisin. Panatilihin na lang ang pagbabawal sa pagdadala ng baril sa labas ng tahanan para masawata ang paglaganap ng krimen at karahasan.

Pero kailangang sumunod sa batas ang PNP at inalis din pagkaraan nang mahigit limang buwang pagbabawal. Hindi na rin naglagay ng mga checkpoint ang PNP hindi katulad noon na halos gabi-gabi ay may nakaabang na mga unipormadong pulis sa kalye at isa-isang sinisilip ang mga nasa sasakyan. Walang makalusot na kriminal. Maraming nasakoteng may dalang baril na nang hanapan ng identification ay mga alipores pala ng mga pulitiko.

At nakita ang epekto ng pag-alis sa gun ban maka­raan ang ilang araw. Nagkasunud-sunod na ang mga patayan at ang mga naging biktima ay mga miyembro ng media. Noong Hunyo 14, binaril at napatay si Desiderio Camangyan. Noong Hunyo 15, binaril at napatay din si Joselito Agustin at noong Hunyo 19, binaril at napatay si Nestor Bedolido.

Noong Hunyo 22, isang human rights lawyer at campaign manager ng Liberal Party ang pinagbabaril habang pasakay ng kanyang kotse sa Solano, Nueva Vizcaya. Ang biktima ay nakilalang si Ernesto Salunat.

Noong Hunyo 23, isang mensahero ng pawnshop sa Ermita, Manila ang binaril at napatay nang tumangging ibigay ang pera sa mga holdaper. Binaril ang mensahero at natangay ang malaking pera.

Mistulang pinakawalang mga asong-ulol ang mga masasamang loob at walang patlang na naghahasik ng lagim. Nasa panganib ang mamamayan kapag hindi naging maigting ang pagbabantay ng mga pulis­ sa taumbayan. Nang inalis sana ang pagbabawal sa pagdadala ng baril ay naging masigasig naman sana ang PNP sa pagpapatrulya. Dapat masiguro ang kalig­tasan ng mamamayan. Pigilan ang paglobo ng krimen dahil sa baril.

DESIDERIO CAMANGYAN

ERNESTO SALUNAT

HUNYO

JOSELITO AGUSTIN

LIBERAL PARTY

METRO MANILA

NESTOR BEDOLIDO

NOONG HUNYO

NUEVA VIZCAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with