^

PSN Opinyon

Madlang people ingat sa water-borne diseases

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

HINDI biro ang magkasakit magastos mahal ang magpagamot kaya nananawagan ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa madlang people of the Philippines my Philippines kasi rainy season na ang weather ngayon kaya students of the Republic of the Philippines mag-ingat sa water - borne diseases.

Bakit?

Sagot-dahil sa rainy season na usung-uso ang mga water-borne diseases katulad ng diarrhea, amoebiasis, gastro-enteritis at cholera.

Sabi nga, ingat!

Isa sa mga important things na dapat gawin ng madlang people lalo’t iyong mga student kailangan tiyakin nilang malinis para safe ang iinumin nilang tubig at ang kanilang tsi-tsibugin para malayo sa mga nasabing sakit sa itaas na maaring mangyari sa kanila.

Ika nga, mag-ingat sa mga pinagbibiling tsibug ng mga vendor sa kalye partikular ang mga student.

Magbaon na lamang kayo o sa canteen na lamang bumili ng pagkain kaysa sa mga bangketa na hindi ninyo alam kung malinis o marumi ang inyong nginunguya at nilulunok. Hehehe!

Kailangan mag-ingat din sa mapanganib na sakit dahil hindi ito biro kasi nga nakakamatay ito.

Sabi nga, dengue fever at leptosprirosis.

Sabi nga, lamok at daga ang pag-ingatan.

Maging malinis sa inyong mga lugar at maging sa schools iwasan din maglaro o maglublob sa tubig - baha lalo na kung may sugat kayo sa paa kasi puedeng pumasok ang mikrobyo todits at magkasakit ng leptosprirosis.

Kaya naman ang Department of Health ay aktibo ngayon na tinitiktikan ang mga eskuelahan para bigyan babala ang mga guro at students na mag-ingat sa nasabing mga sakit.

GMA, ipakukulong

KATAKUT- takot na kaso ang isasampa versus Gloria Macapagal Arroyo oras na bumaba ito sa malakanin este mali Malacañang pala.

Sangkatutak kasi ang nagagalit dito dahil sa sinasabing pang-aabuso na ginawa nila habang nasa trono.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kailangan din ang ‘due process’ kay Gloria.

Si Bayan Muna party - list Rep. Teddy Casino ang magsasampa ng kaso tulad ng plunder sa July 1 sa Office of the Ombudsman at siempre bubuhayin din ang NBN-ZTE deal echetera.

Hindi lang si GMA ang kakasuhan pati ang PCGG ay masasama din na sasampahan ng case porke si P. Noy mismo ang may gusto na bungkalin ang mga hokus pokus dyan sa sinasabing tanggapan ng good government.

Naku ha!

Abangan.

Thank you sponsors, NPC

NAGPAPASALAMAT ang pamunuan ng National Press Club sa mga natulog este mali tumulong pala na sponsor at sumoporta sa ginanap na 2nd NPC Horse Racing Cup sa Sta. Ana racing track dyan sa Naic, Ca­vite, yesterday.

DEPARTMENT OF HEALTH

GLORIA MACAPAGAL ARROYO

HORSE RACING CUP

NATIONAL PRESS CLUB

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

SABI

SI BAYAN MUNA

TEDDY CASINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with