NPC sa media killings
KINONDENA ni National Press Club President Jerry S. Yap, ang halos magkakasunod na pagpatay sa mga press people sa loob lamang ng isang linggo.
Two ang itinumba ng mga hitmen na galit na galit sa kanilang biniktima halos ilang araw lamang ang pagitan ng itumba nila ang mga pobreng alindahaw.
Nagpapatunay lamang na sa Philippines my Philippines ay delikado sa mga mamamayahag kaya naman umaalma ang pamunuan ng National Press Club sa gobierno dahil hindi lang ang mga pobreng alindahaw ang itinumba ng mga tekamots.
Last November 23, 2009, niratrat ang may 32 journalist na kabilang sa 57 na minasaker sa Ampatuan, Maguindanao.
Lahat ito ay tinadtad ng bala at inilibing pa sa hukay ng mga tarantado.
Trabaho lang ang media walang personalan gusto lamang ng mga ito na ibigay sa madlang public ang totoong facts na nangyayari sa Republic of the Philippines my Philippines at batikusin ang mga ulol na taga-gobierno.
Last Monday, broadcast journalis Desidario Camangyan ng Sunrise FM ay binaril sa isang place dyan sa Manay, Davao Oriental kinabukasan si Joselito Agustin ng Aksyon Radyo sa Laoag ay napatay din sa isang lugar dyan sa Bacarra, Ilocos Norte.
Kaya naman ang NPC kasama ang ibang grupo ng media practitioners ay nananawagan sa pamahalaan na bigyan ng agaran solusyon ang pagkamatay ng mga kabaro natin.
Abangan.
Si P. Noy ang dapat umaksyon
MUKHANG may grupo na gustong ‘guluhin’ ang usapin sa Smokey Mountain Reclamation Development Project para iligaw ang madlang people sa tunay na isyung bumabalot dito?
Bakit kaya?
Sinampahan ng kasong graft and corrupt practices sa Ombudsman si Vice Pres. Noli de Castro, kasalukuyang HUDCC chairman, Finance Secretary Margarito Teves at iba pang government officials dahil may nagbebenta este mali nagbibintang pala na gusto daw nilang “ibulsa” ang may P4.4 billion project todits.
Ika nga, kalkalan blues!
Naku ha.
Totoo kaya ito?
Pinaguusapan sa boung world ang Smokey Mountain dahil sa kahirapan ng madlang noypi todits kaya naman nahihiya ang gobierno tungkol dito dahil sa sinasabing kalagayan ng madlang people na ginawang tirahan ang basurang bundok.
Kaya naman sumasama at awang - awa si dating Prez. Cory Aquino sa madlang people na nakatirik todits sa madaling salita inaprubahan niya ang SMRDP na pormal naman sinimulan noon panahon ni Prez Fidel Ramos.
Ano ang relasyon ng magandang pangarap ni Tita Cory para sa mga mahihirap ng Tondo sa kasong “bubunuin” ngayon ni VP Noli sa Ombudsman?
Ang P4.4 billion, ay sinasabing gusto daw “sikwatin” ni Kabayan ?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Ang nasabing pitsa ay halagang dapat nang bayaran ng Home Guaranty Corporation sa R-II sa ngayon.
Hindi naman dapat “lumobo” ang bayarin ng HGC sa transaksyong ito kung hindi natali sa sandamakmak na kaso sa korte at samu’t-saring kontrobersiya ang buong proyekto.
Alam naman natin kapag nagkasuhan tiyak may “stop payment” basta may nakabimbin na kaso sa korte.
Matapos namang mabusisi ng husto ang proyekto sa bintang na isa itong ‘scam’ at ‘sweetheart/midnight deal’ sa pagitan R-II at ng gobyernong Aquino at Ramos, sinabi ng Korte Suprema na sunod sa batas at hindi “baluktot” ang kontrata para sa Smokey Mountain rehab tulad ng sinasabi ng mga kritiko.
At ngayon ngang nagiging malinaw na ang lahat, bigla na namang nagiging “magulo” ang isyu dahil sa pagsasampa ng kaso sa Ombudsman laban kay Kabayan.
Ano ba ito?
Kumbaga, ginawang “sangkalan” ang pangalan ni Kabayan at mga kapwa niya akusado upang iligaw ang isipan ng madlang public sa mga nangyayaring kabalbalan sa loob ng HGC na umano’y ‘milking cow’ ng ilang mga kamote sa nasabing GOCC.
Ito ngayon ang dapat bosohan este mali silipin pala ni P. Noy!
Wait and see.
- Latest
- Trending