Panibagong pagpatay sa mga mamamahayag

AKO at ang aking anak na si Sen. Jinggoy Ejercito Estrada ay naaalarma sa panibagong pagpatay sa mga mamamahayag. Noong Sabado, pinaslang si Nestor Bedolido, manunulat sa isang lokal na pahayagan, sa Digos City, Davao del Sur. Ayon sa National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), si Bedolido ang ika-103 media workers na pinatay mula nang nanung­kulan ang administrasyong Arroyo noong 2001.

Noong Hunyo 14, ang radio broadcaster na si Desi­dario Camangyan ay pinatay sa Manay, Davao Oriental. Ilang araw ang nakalipas, pinaslang din ang isa pang radio anchorman na si Joselito Agustin sa Ilocos Norte.

Ayon kay Jinggoy, kailangang magsagawa ng hakbang ang pamahalaan upang protektahan ang mga journalist sa mga pagpatay, pati rin sa mga pang-aabuso, pagmamaltrato at harassment. Si Jinggoy ay maraming iniakdang panukalang batas para sa proteksiyon, benepisyo at hustisya para sa mga manggagawa sa industriya ng pamamahayag sa bansa.

Pangunahin dito ang Senate Bill (SB) Number 515 (Magna Carta for Journalism), at kasama rin ang mga sumusunod:

SB 5: An act to abolish the penalty of imprisonment in libel cases;

SB 9: An act of promoting the welfare of and providing protection to journalists;

SB 349: Further amending section one of RA 53, otherwise known as an act to exempt the publisher, editor, columnist or reporter of any publication from revealing the source of published news or information obtained in confidence.

SB 524: Imposing an additional penalty on all persons who coerce, inflict injury or kill any bonafide member of the media in the course of or in the performance of his or her duties.

SB 538: An act qualifying the killing of members of broadcast and print media on the occasion of the exercise of their functions as such, as a crime of murder.

Show comments