Ulirang Ama Award
ANG National Mother’s Day and Father’s Day Foundation ay nagbibigay ng pagkilala sa mga “Ulirang Ama at Ina” taun-taon na may makabuluhang papel hindi lamang bilang magulang kundi sa kanilang larangan at propesyon. Ang foundation ay pinamumunuan ni President Wilfredo M. Talag at ang Honorary Chairman ay si dating Energy Secretary at Congressman-elect Angelo Reyes na isa ring awardee noong taong 2001.
Ang awarding ay idinaos kahapon sa isang seremonya sa Century Park Hotel at ang emcee ay si Asst. Secretary Baby O’Brien na isa rin sa mga walang pagod na mo-ving spirits ng proyektong ito. Bigatin ang karamihan sa mga “Ulirang Ama” kasama sina Chief Justice Renato Corona, Justice Eduardo Nachura at COMELEC Director Ferdinand Rafanan sa larangan ng batas at hudikatura. Sa Negosyo at Industria, awardees sina Gov. Isidro Garcia, Presidential Brother Arturo Macapagal at Engr. Fernando Pizzaro.
Pinarangalan sa larangan ng Agrikultura sina Tito Contado at Gonzalo Catan samantalang sa Edukasyon ay sina Benjamin Espiritu at si Dean Amado Valdez ng UE college of Law. Sa Medisina at Siyensya, pinarangalan sina Dr. Metodio Palaypay, MD at Dr. Francisco Tan Sr. Sa Arts ang Culture, nag-iisang awardee si Emmanuel Inumerable. Sa Government Services, pinarangalan si Imbentor Orlando Marquez Sr. at Cesar Padilla. Espesyal na parangal ang iginawad kina Benjamin Magtibay (Ulirang Ama ng Tahanan), Jorge Banal (Ulirang Ama ng Angkan), at ang kilalang commercial model at TV personality na si Rene RJ Ledesma Jr. at ang nakababatang Dr. Francisco Tan Jr.
Inihuli ko ito dahil ayaw kong maging self-serving ngu-nit kailangang magpasalamat sa malaking karangalang ibinigay ng foundation. Sa Media and Journalism, ang inyo’ng lingkod, kasama ang TV executive na si Roberto “Bob” del Rosario ang pinarangalan. And very lastly, salamat, salamat sa mag-asawang pilantropo na walang sawang nagbibigay ng free medical services sa mga mahihirap, sina Dr. Willie Ong at Dra. Liza Ong para sa kanilang nominasyon. I can just return all the glory and honor to the greatest Father of all na nasa langit na siyang dapat maging huwaran ng lahat para matawag na tunay na uliran.
- Latest
- Trending