Back to square one
GUSTO ni President-elect Noy Aquino na tawagin siyang “Pi-Noy” (short for President Noy) para nationalistic ang dating. Marami raw tagahangang Vietnamese si P-Noy. Puro sila taga Ha-Noy.”
Balita ko, inihahanda na ang mga karatulang ipapaskel sa bawat sulok ng palasyo ng Malacañang: NOY SMOKING. Mayroon ding isang lugar na kotse lang ni Noy ang puwedeng iparada: NOY PARKING.
Labag daw sa kalooban ni P-Noy na maging Vice President si Jojo Binay dahil iisa lang daw ang kanyang vice. Si Mar Roxas? Hindi! Eh sino? Eh di si Smoking vice.
Noong Presidente pa si Joseph Estrada ang tawag sa presidential plane ay Erap-plano. Nang umupo si GMA naging Eroyo-plane. Ngayong malapit nang umupong pangulo si Noy, tatawagin na ito’ng eropla-Noy. Yan ang mga jokes ko habang ginugupitan ako ni Mang Gustin. Siguro nabuset na siya sa kakornihan ko, sumigaw siya ng “don’t an-Noy me!”
Nakikiusap si P-Noy sa taumbayan: “Give me time to fix the government” aniya dahil hindi raw madaling solusyunan ang mga dambuhalang problema ng bansa. Sinabi mo pa Noy! Makatutulong sa’yo ang Land Transportation Office. Maraming fixers diyan.
Seriously now, Ganyan din ang sinabi ng mga nakaraang Presidenteng sinundan ni P-Noy. Ang pagkumpuni raw sa mga pinsalang natamo ng bansa sa nakalipas na maraming taon ay hindi basta-basta maaayos. Una ko’ng narinig iyan kay President Cory Aquino na laging sinasabing ang pinsalang idinulot ng Marcos dictatorship ay hindi mabubuo ng isang-iglap.
Ang problema, sa pagpapalit-palit ng Pangulo mula kay Tita Cory, Ramos, Estrada at Gloria, walang continuation ang mga programang inilunsad ng bawat administrasyon.
Sa tuwing may bagong uupo, back to square one tayo.
Sana maging matino ang P-Noy administration. Yung unang Capampangan na sinundan niya ay ‘di nagkaroon ng magandang reputation. Sana maiba naman siya dahil magiging stigma iyan sa mga kababayan kong Kapampangan.
- Latest
- Trending