ANG sex ay hindi bagay na itinuturo. Likas ito sa lahat ng hayop na nabubuhay kasama na ang tao. Natatandaan ko pa ang lumang pelikulang Blue Lagoon na nagpasikat kay Brook Shields. Tungkol ito sa dalawang maliit na batang lalaki at babae. Napadpad sila sa ilang na isla dahil sa isang shipwreck. Lumaki nang walang kasamang ibang tao. Nang magkaisip, naka-develop sila ng sariling lengguwahe at pati pagtatalik ay kanilang natutuhan nang walang nagtuturo sa kanila.
Dahil sa kultura nating mga Pilipino, parang masagwa ang dating ng salitang “sex education.” Kaya gayun na lamang ang pagtutol ng mga Katolikong Obispo sa proyekto ng Department of Education na isama sa curriculum sa mga paaralan ang araling ito. Pero kung tutuusin, mula pa sa pagkabata ay dapat nang imulat sa mga tao ang kabuluhan ng sex. Kaya ang dapat ituro ay moral values na gagabay sa kabataan sa layunin ng sex. Na ito’y may “divine design” na mas mataas kaysa pagpapasarap lang ng dalawang taong nagtatalik. Puwedeng ituro iyan sa araling pang-agham (para sa medical at scientifical na aspeto), at religion (sa aspetong moral).
Lubha nang liberal ang pananaw ng tao sa sex. Noong araw, ito’y bagay na binibigyang pitagan. ‘Di tulad noon, very common na ang casual sex. Nagkakilala ngayon ang babae’t lalaki at nagkagustuhan – tapus tuluy- tuloy na sa motel. Pag labas ay parang walang nangyari. Ang masamang epekto niyan ay unwanted pregnancy at lalung malala, sexually transmitted diseases.
Kailangang ma-educate ang kabataan sa panganib nang padalus-dalos na sex. Ito’y bagay na dapat suportahan ng mga relihiyosong sector tulad ng Simbahang Katoliko sa harap ng kabi-kabilang kaso ng mga kabataang nabubuntis kundi man nagkakasa- kit ng HIV-AIDS.
Sa tingin ko, dapat bumuo ng grupo ang pamahalaan kasama ang simbahan at iba’t ibang sector upang bumalangkas ng epektibong kam-panya laban sa bumabagsak na moralidad sa lipunan.
Kasama na riyan ang lubhang pagiging open at liberated ng mga kabataan sa sex.