^

PSN Opinyon

Fil-Am Cops Ride-Along 2010

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

DAHIL sa magandang feedback na natanggap ng BITAG sa ginawang Fil-American Cops noong nakaraang taon, masuwerteng naisagawa muli namin ito ngayong 2010.

Kadarating lamang ng BITAG nitong nakaraang linggo mula sa Estados Unidos partikular sa California kung saan maraming Pilipino ang nagtatrabaho at nani­nirahan dito.

Ipinagpapasalamat ng BITAG ang mainit na pag­tanggap ng Chief of Police ng South San Francisco Police­ Department at Daly City Police Department sa aming grupo.

Pinaunlakan nila ang BITAG na pasakayin sa kanilang mga patrol car kasama ang mga Fil-American Police ng kani-kanilang Police Department. Ito ang ride-along.

Unang nakasama ng BITAG si Officer James Delos Santos, dalawang taon pa lamang na patrol officer ng South San Francisco Police Department.

Isa lamang si Officer Delos Santos sa one fourth na mga Fil-American na pulis na bumubuo sa South San Francisco Police.

Bagamat hindi marunong mag-Tagalog ang batam­batang patrol officer, kakikitaan sa kanya ang tatak ng pagiging isang Pilipino.

Nakitaan ng BITAG ng diplomasya ang estilo ni Officer­ Delos Santos. Apat na tawag mula sa 911 ang kan­yang narespondehan kasama kami sa loob lamang ng tatlong oras.

Samantala, nakilala na ng BITAG noong nakaraang taon si Officer Ed Gregorio ng Daly City Police Department. Ma­runong itong umintindi at mag­salita ng ating wika.

Sa mga Fil-Am cop ng Daly City Police Department, si Officer Gregorio lamang ang marunong umintindi at mag­salita ng Tagalog.

Tatlo naman ang mga kasong nirespondehan ng Daly City Police kasama ang aming tropa kung saan ang mga ito ay nasa temang domestic violence.

Isa rito ay away ng dala­wang Pilipina kung saan nag­ka­sakitan ang dalawa dahil lamang sa isang lalaki.

Habang ang pangala­wang responde, kaso ng isang Pili­pinang inirereklamo ang pang-aabuso ng kan­yang asawang dayuhan.

Lahat ng ito, matagumpay na naidokumento ng BITAG dahil na rin sa hiling ng ma­rami na isagawa muli namin ang dokumentasyong ito.

Ngayong Sabado sa BITAG ang kabuuan ng Fil-American Cop ride along sa taong 2010. Abangan!

vuukle comment

AMERICAN COPS

BITAG

CHIEF OF POLICE

DALY CITY POLICE

DALY CITY POLICE DEPARTMENT

DELOS SANTOS

ESTADOS UNIDOS

POLICE

SHY

SOUTH SAN FRANCISCO POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with