^

PSN Opinyon

Common sense

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

(Unang Bahagi)

MATAPOS i-file sa Trial Court ang Impormasyon na ga­gamitin laban sa mga akusado sa krimen at ang prose­cution ay nakapagfile na ng mosyon para bawiin ito sa kadahilanang lack of probable cause base sa resolusyon ng DOJ, nararapat lamang na magsagawa ng malayang assessment ang trial court at alamin kung mayroong probable cause bago ituloy ang paglilitis. Ito ang patakaran na sinunod sa kaso ni Lilia at Berto.

Ang ugat ng kaso ay ang pagpatay ng beinte anyos na si Franco, ang anak ni Domeng. Base sa sinumpaang pahayag ng isang testigo na nagngangalang Rina na nagsabing nakakita siya ng tatlong lalaki na kasangkot sa krimen, pinaratangan ng murder sina Lando at Rey sa RTC matapos silang ma-identify bilang kasangkot sa pagpatay. Sila ay nagplea ng walang sala sa pagbasa ng sakdal.

Sa kanilang paglilitis, ang mag-amang Nesty at Dan ay lumabas pang testigo. Sabi nila ay nakita nila si Lily, ang barangay chairperson, na inabutan si Rey ng baril at sinabing “Gusto ko malinis ang trabaho, walang bulilyaso baka makaligtas na naman si Domeng”. Nalaman na lang nila noong sumunod na araw na si Franco ang napatay at hindi si Domeng. Sabi ni Dan ay pinabalik ni Rey sa kanya ang baril kay Lily ngunit tinanggihan niya ito. Inutusan din daw siyang bantayan ang bawat kilos ni Domeng.

Base sa mga testimonyong ito at ang karagdagang testimonya ni Rina ay nag-file ng Amended Information at isinama dito sina Lily, Berto at isa pang babae na nagngangalang Cora bilang mga akusado. Binawi nina Rina, Nesty at Dan ang kanilang mga testimonya kaya noong June 11, 2002, nag-issue ang DOJ ng resolusyon na ina­atasan ang prosecution na bawiin ang Impormasyon para sa murder laban sa mga akusado pati na sina Lily at Berto, dahil ang testimonya ng prosecution ay hindi na kapani-paniwala. Nag-issue naman ng order na binabawi ang Impormasyon laban sa mga akusado ang RTC.

Inakyat ni Domeng ang kaso sa CA sa kadahila-nang grave abuse of discretion ng RTC sa pagbawi ng Im­pormasyon na walang isinagawang malayang ebalwasyon ng ebidensiya. Si-nang-ayunan naman ito ng SC.

Samantala, dalawang bagong testigo ang iprini­sinta ng prosecution, sina Binoy at Al, para sa paglilitis ng petition ni Lily na mabigyan ng piyansa. (Itutuloy)  

AMENDED INFORMATION

BERTO

BINAWI

BINOY

DOMENG

IMPORMASYON

RINA

SABI

TRIAL COURT

UNANG BAHAGI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with