^

PSN Opinyon

Track record at integridad

- Al G. Pedroche -

TUWING magbabago ang administrasyon, yung mga dating nanunungkulan sa gabinete ay pinapalitan lahat. Marahil, bunsod na rin iyan ng political accommodation.

Pero ayon kay Rep. Erin Tañada ng partido Liberal, hindi ganyan si Presidential frontrunner Noynoy Aquino. Aniya, posibleng manatili ang ilang opisyal ng Arroyo administration kung sila’y mahusay at may integridad. Wika nga, maganda ang track record at walang bahid ng corruption. Tama iyan! Sa sistemang ito, si Noynoy ay maaaring maging isang unifying president. Naibalita na ang posibilidad na manatili sa puwesto sina Esperanza Cabral at Jose Ibazeta, na kapwa mga Arroyo­ appointees sa gabinete. Malamang din na manatli bilang PNP Chief si Jesus Verzosa, na subok ang katapatan sa Konstitusyon at magaling mamahala sa PNP.

Posible raw na mabigyan ng ibang security related position si Verzosa. Kamakailan, naging target si Ver­zosa ng init ng ulo ni Pangulong Arroyo nang sabihin niyang ang PNP, bilang protektor ng mamamayang Pilipino, ay hindi susuporta sa anumang balaking labag sa Saligang Batas at labag sa kalooban ng publiko kahit ito’y iutos pa ng Pangulo. Tila napikon si Presidente Arroyo­ kaya sa commencement exercises ng Philippine National Police Academy, hindi niya binati sa kanyang talumpati ang presensya ni Verzosa.

Hinangaan si Verzoza nang mag­hain siya ng courtesy resignation upang bigyang laya ang pa­pasok na bagong administrasyon na balasahin ang PNP. Tiyak na magi­ging asset ng bagong adminis­tras­yon ang kaalaman ni Verzosa, bu­nga ng ma­raming taon, na nauukol sa pam­ban­sang seguridad. Malalim na rin ang kaalaman ni Ver­zosa sa kung ano ang kinakailangang gawin sa PNP para maipagpatuloy ang pro­fessiona­lization nito at maibalik ang kumpi­yansa ng publiko sa naturang institusyon.

Ayon kay Verzosa, magsu­su­mite siya ng isang 15-point roadmap na mag­­sisilbing giya ng gobyerno sa pag­hubog sa PNP bilang isang world-class police force pagsapit ng 2030. Ang roadmap niyang ito, ayon kay Verzosa, “ay suma­salamin sa pag­na­nais ng papasok na adminis­trasyon na magpa­tupad ng reporma sa bansa.” Kabilang sa master­plan na ito ang patuloy ng pagpa­pa­unlad ng transformational PNP leaders­ sa lahat ng lebel at ang buong imple­mentasyon ng model police­ station project sa buong bansa.

ERIN TA

ESPERANZA CABRAL

JESUS VERZOSA

JOSE IBAZETA

NOYNOY AQUINO

PANGULONG ARROYO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE ACADEMY

PNP

SHY

VERZOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with