^

PSN Opinyon

Padalang lason

K KA LANG? - Korina Sanchez -

Sa nakaraang tatlong buwan lang, limang Pilipino ang nahuling nagdadala ng mga iligal na droga papasok sa Thailand. Nasabwat ang mga Pilipino, apat nito ay mga babae, na nanggaling sa iba’t-ibang bahagi ng mundo katulad ng Brazil at Peru. Ito na yata ang bagong modus operandi ng mga sindikato, na gamitin ang mga Filipina para magpasok ng mga droga sa iba’t-ibang bansa. Maraming mga Pilipino, partikular mga babae ang bumabaybay sa iba’t-bang bansa para maghanap ng trabaho kaya ito’y pinagsasamantalahan ng mga sindikato. Kung alam ng mga kababayan natin ang kanilang dala-dalang mga pakete ay droga ay hindi pa matiyak. May nagsabi kasing hindi niya alam na marijuana na pala ang dala. Akala ay tsaa lang!

Ang hindi ko naman maintindihan ay kung bakit may pumapayag pa ring magdala ng mga padala nang hindi sinisiyasat nang mabuti kung ano ang nilalaman! Sa kaso nung nagsabi na akala niya ay tsaa lang ang dinadala, dapat pinatimpla na muna at pinainom sa nakikiusap para matiyak kung talagang tsaa. Kapag tumatanggap ng mga padala, maski kilala pa, dapat bukas ang mga pakete at maliwanag kung ano ang nilalaman para walang sisihan sa katapusan. Tsaka na lang isara kapag sigurado na ang mga nilalaman ay hindi kontrabando.

Hindi biro ang mahulihan ng droga sa Thailand. Kamatayan ang parusa para sa mga nagpapasok ng ilang klaseng droga sa bansa, katulad ng heroin. Sa ngayon hindi pa natin alam kung ano na ang mangyayari sa mga nahuling Pilipino. Napakahirap pa naman kapag nahuhuli sa ibang bansa. Doble o triple ang trabaho para tulungang makalaya, kung talagang walang kasalanan. Ang sa akin naman, kung alam ang laman ng pakete at tumanggap ng bayad para maging carrier ng droga, tama lang na maparusahan! Ang katayuan ko sa droga ay hindi pa rin nagbabago.

Dapat masugpo ang problema ng droga. Nakakasira ng buhay, ng pamilya, ng magkakaibigan, ng negosyo. Ang problema ng iligal na droga ay problema ng buong mundo. Kaya matitindi ang mga parusa ukol sa pagpasok ng droga mula sa ibang bansa. Lason ang tingin dito na walang maidudulot na maganda. Kalakal ng mga walang konsyensiya para lang yumaman, kahit mga buhay ng tao ang sinisira.

Sa papasok na administrasyon, isa ito sa mga pangunahing problema na dapat harapin, sugpuin at durugin.

DAPAT

DROGA

FILIPINA

KALAKAL

KUNG

PARA

PILIPINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with