'Kalawit' (Subic Hulidap Story 3)
BAGO pa man umabot ng SM Clark, Pampanga ang mga ahente ng National Bureau of Investigation-National Capital Region (NBI-NCR) at BITAG…
Isang development ang aming natanggap na muntik nang ikaudlot ng ikinasang entrapment operation.
Ang sasakyan ng biktimang si Tintin na noong una’y pinapatubos ng singkuwenta mil ng mga pulis Hulidap ng Station 3 sa Olongapo, ibinalik na sa ama ng biktima.
Ayon kay Tintin, nanghimasok na raw ang kaniyang ama nang malaman ang ginawa sa kanila ng mga pulis. Magkaibigan daw ang kaniyang ama at ang City Director ng Olongapo na si Col. Oscar Alayalde.
Subalit hindi pa rin nasayang ang aming pinaghandaan dahil ang suspek na si SPO1 Jules Maniago, tuloy pa rin ang hinuhuthot na singkuwenta mil sa biktima.
Tatlong beses nagpalipat-lipat ng puwesto si Tintin sa SM Clark base sa instruction ni SPO1 Maniago, naniniguro ito na walang ibang kasama ang kaniyang kausap.
Sa huling puwesto na ibinigay ni SPO1 Maniago, dumaan pa ito mismo sa harap ng BITAG vehicle para salubungin si Tintin.
Mabilis ang kaniyang naging pagkilos agad siyang pumuwesto kasama si Tintin sa likuran ng aming sasakyan at isasakay na ang biktima sa kaniyang sasakyan.
Dito, bago pa man makasakay si Tintin, iniabot na ang marked money na patibong ng mga ahente ng NBI hudyat para kalawitin ng nakapalibot na mga ahente sa lugar.
Nang makita ni SPO1 Maniago ang BITAG, nakiusap ito na tawagan raw namin ang kaniyang “bossing” dahil alam daw ng mga ito ang kaniyang “operasyon”.
Nang tanungin ng BITAG sino ang kaniyang tinutukoy, si Maj. Arthur Salida, station commander ng Station 3 sa Olongapo at ang City Di-rector na si Col. Alayalde.
Pinagbigyan namin ang kahilingan ni SPO1 Maniago dahil pinunta-han namin mismo ang kontrobersiyal na stasyon ng pulis na kaniyang pinagrereportan, ang Station 3 sa Olongapo City…
Abangan ang huling bahagi…
- Latest
- Trending