^

PSN Opinyon

General Cacdac, itapon mo sa Mindanao si Taruc

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

HINDI marunong magbayad ng mga kinain niya at kanyang mga bataan itong si Insp. Taruc, kamag-anak at bagman ni Central Luzon police director Chief Supt. Arturo Cacdac. Maaring sa mga ilegalista tulad ng beerhouse at nightclub puwede ito dahil ang takot lang nila na singilin sila subalit kung sa mga ordinaryong tao o kapwa pulis niya, aba no-no ito, di ba mga suki? May utang kasi si Taruc sa isang pulis na aabot sa P10,000 subalit ayaw niyang magbayad kaya’t naiwang tulala sa ngayon ang biktima niya.

Ganito kasi ‘yon mga suki! Nang dumating pala bilang Central Luzon police director si Cacdac, lumutang din si Taruc. Nagpasiklab si Taruc at itinuloy ang pagkain para sa tanghalian ng mga inabutang pulis pati na ang bitbit nya para sa grupo niyang kolektor ng intelihensiya. Siyempre, nag-abono ang pulis sa akalang mababawi ang puhunan niya. Subalit pagdating ng singilan, aba ayaw magbayad ni Taruc. Walang magawa ang pulis kundi tumahimik na lang dahil ayaw niyang makabangga ang bagman at kamag-anak ni Cacdac at baka siya pa ang malasin. Ang ginagawa ni Taruc ay hindi nakakabuti sa pamumuno ni Cacdac na isang PNP chief material, di ba mga suki?

Naibulgar ko na si Taruc ay umiikot sa mga sugal lupa sa Central Luzon at aabot sa P160,000 weekly ang kanyang nakukubrang intelihensiya. Siyempre, ang nagigisa sa pagroronda ni Taruc ay ang pangalan ni Cacdac. Kaya’t hindi sapat na paimbestigahan lang ni Cacdac si Taruc. Dapat itapon ni Cacdac sa Mindanao ang bagman niya para mailayo ang sarili sa kabuktutan ni Taruc, di ba mga suki? Walang patutunguhan ang imbestigasyon ni Cacdac dahil mga bataan din niya ang gagawa nito. At ano ang kalalabasan? Eh di pabor ke Taruc na maaring magtago lang sa saya ng mga bataan niya para maipagpatuloy ang kasibaan niya sa pagkain at pitsa, di ba mga suki? May kasabihan kasi tayo na “blood is thicker than water” kaya maliwanag na idedepensa lang ni Cacdac ang kamag-anak at bagman niya. Hehehe! Sobrang buwenas naman ni Taruc!

Nakasandal sa pader eh, di ba mga suki?

At habang namamayagpag si Taruc, namemeligro naman si Cacdac. Si Cacdac ay naupo lang sa Central Luzon sa tulong ni President Arroyo na honorary member ng PMA Class ’78. Eh sa kasamaang palad, hindi ang bata ni GMA na si Gibo Teodoro ang nanalo sa nakarang election kundi si LP standard bearer Noynoy Aquino. Kaya naman nanalo si Noynoy ay dahil na rin sa battle cry niya na lalabanan ang corruption. At maliwanag pa sa sikat ng araw mga suki na ang ginagawa ni Taruc ay corruption. Kaya’t sa pag-upo ni Noynoy sa July 1 baka masilat pa sa puwesto niya si Cacdac dahil sa corruption ni Taruc, di ba mga suki?

Kaya’t kahit saang anggulo mo man tingnan, hindi makakatulong ke Cacdac ang pamamalagi ni Taruc sa tabi n’ya. Pero hindi pa huli ang lahat. Habang papalapit ang pag-upo ni Noynoy, dapat tsugiin na ni Cacdac si Taruc. ’Iyan ay kung gusto pa niyang manatili sa puwesto niya. Abangan!

vuukle comment

ARTURO CACDAC

CACDAC

CENTRAL LUZON

CHIEF SUPT

KAYA

NIYA

NOYNOY

SUKI

TARUC

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with