^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mano-mano o automated, daming reklamong dinaya

-

NANG akdain ang batas para sa pagkakaroon ng automated elections, marami ang nag-akala na katapusan na ng mga reklamo at paghahabol. Pero hindi pala, kung gaano karami ang nagrereklamo at naghahabol noong mano-mano pa ang election, gayun­din ngayong automated na. At tila wala nang lugar na mapuwestuhan ang Commission on Elections­ (Comelec) dahil sila ang naiipit sa nag-uumpugang bato. Sila ang bagsakan ng sisi ng mga kandidatong nagrereklamo na nagkaroon ng poll fraud sa nakaraang May 10 elections. Karamihan sa mga nagrereklamo ay ang mga natalo sa election.

Kamakalawa, sinabi ni House Speaker Prospero Nograles na huwag munang bayaran ng Comelec ang Smartmatic. Ang Smartmatic ang nakakuha ng P7.2 bilyong kontrata sa Comelec para maisagawa ang ka­una-unahang automated elections. Sabi ni Nograles, i-hold muna ang pagbabayad sa Smart­matic hangga’t hindi nabibigyan ng clean bill of health ng Congress Joint Oversight Committee ang kauna-unahang automated elections. Sinabi ni Nograles na dapat ihayag muna ng Smartmatic kung ipina-subcontract nila sa ibang kompanya ang pagsu-supply ng precinct count optical scan (PCOS) machines. Sabi pa ni Nograles, may reklamo na na-pre-programmed umano ang memory cards habang kina-canvass ang mga boto para sa presidente at bise presidente.

Hindi nga porke’t automated na ang elections ay wala nang magrereklamo na nagkaroon ng pan­da­raya. At ang mga nagrereklamo ay ang mga na­talong kandidato. Si Nograles man ay natalo rin sa Davao. Tumakbo siyang mayor pero nilamangan ng kalaban.

Ilan pa sa mga nagrereklamo na nagkaroon ng poll fraud ay ang tatlong presidentiables na sina Jamby Madrigal, JC Delos Reyes at Nicanor Perlas. Maski si dating President Joseph Estrada umano ay magsa­sampa rin ng reklamo. Pumapangalawa kay LP standard bearer Noynoy Aquino si Estrada. May limang milyong boto ang kalamangan ni Noynoy kay Erap. Hindi naman magrereklamo si dating Makati mayor Jejomar Binay na mahigpit pa ring kalaban ni Mar Roxas ng LP para sa pagka-bise presidente.

Sabi ng Comelec, ginawa lamang nila ang tung­kulin para maging matagumpay ang election. Tama ang ginawa nila at nasisiyahan sila sa resulta ng election­. Ganunman, nakahanda sila sa mga reklamo.

Ma-automated man o mano-mano ay maraming reklamo. Saan patungo ang bansa kung ganito ang takbo? Dapat tanggapin ng mga natalo ang kanilang kapalaran at huwag nang palubhain ang isyu na wala namang matibay na batayan.

ANG SMARTMATIC

COMELEC

CONGRESS JOINT OVERSIGHT COMMITTEE

DELOS REYES

HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRALES

JAMBY MADRIGAL

NOGRALES

SABI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with