Si Mayor Mathay ang maka-OFW
Maraming tumatakbo sa pagka-mayor sa Quezon City, ngunit sa aking pananaw, si former Mayor Mel Mathay lamang ang napatunayan ko na tunay na maka-OFW. Maliban pa diyan, siya lang ang candidate para sa pagka-mayor na hindi collaborator ni Mrs. Gloria Macapagal Arroyo.
Bagamat pang-local lamang ang labanan ng pagka-mayor sa Quezon City, nakikita ko ang kahalagahan nito dahil napakarami ang mga pamilya ng OFW doon at sayang naman ang pagkakataon na magkaroon ng mayor doon na tunay na nagmamalasakit sa mga kapakanan ng mga OFW.
Noong ako ay ambassador pa sa United Arab Emirates, bumisita si Mayor Mathay sa Abu Dhabi ng isang linggo noong 1995 para alamin ang kalagayan ng mga OFW at nagbigay pa siya ng samu’t saring assistance habang siya ay bumibisita. Doon ko nakita kung paano siya magmahal sa mga OFW, kahit sila ay hindi lahat mga taga-Quezon City .
Maliban pa kay Mayor Mathay, tumatakbo rin bilang congressman sa second district si Chuck Mathay, ganoon din si Ara Mina na tumatakbo bilang councilor sa second district din. Katulad ni Mayor Mathay, alam ko na malaki rin ang malasakit ni Chuck at ni Ara sa mga OFW kaya, dapat din silang mabigyan ng ating supporta.
Sa party-list naman, alam ko na ang TUCP party list (number 178 sa balota) at ang National Council for Commuter Protection (NCCP) party list (number 163 sa balota) ang dapat pagpilian ng mga OFW. Ang TUCP ang partylist ng workers, samantala ang NCCP naman ang party list ng commuters. Bahala na kayo kung alin sa kanila ang inyong pipiliin, dahil halos lahat naman ng mga tao ay workers, at halos lahat ay commuters din.
Sariwa pa sa aking isipan na kaya nanatili si Mrs. Arroyo sa kanyang puwesto bilang pekeng presidente ay dahil sa ibinigay na support ng mga pulitiko na kumakalaban ngayon kay Mayor Mathay. Si Mayor Mathay ay lagi kong nakakasama sa mga rally na nanawagang magbitiw sa puwesto si Mrs. Arroyo, samantalang ang mga kalaban ni Mayor Mathay ay nagpaiwan sa kanilang airconditioned na mga opisina at nagpapasarap sa mga biyaya na bigay ng pekeng pangulo.
- Latest
- Trending