Ang mga pobreng alindahaw na nawala sa puesto ay sina Rizalino Estrella, ay ipinalit nya sa contractual na si Ramon Usison, na siyang driver ng San Mateo Branch sa loob ng 16 na taon.
Si Thelma na nasa Office of the President ang item ay inilipat upang ibigay ang item sa isang co-terminous na alalay niya.
Ganon din ang gustong gawin sa isang Junior Officer sa kanyang opisina upang ilagay naman ang isa nyang bitbit na staff. At mga apat pang insidente na dumaan na sa promotions board ay binabago pa niya upang ilagay ang gusto nito.
Ito ay nagbunga ng ilang protesta pero sa halip na kanselahin ang promosyon ay na promote na lang ang nag-protesta.
“Paano naman kami na walang padrino?” Ang sigaw ng kulang isandaan na OIC na hindi nasama sa promotion.
“Ano na ang nangyari sa seniority, performance at overall contribution to the objectives of the SSS as basis for promotion ?”
Sa loob ng nakaraang 53 taon, ngayon lang nangyari na ang promosyon ay naging sanhi ng awayan. Ilan sa mga na promote sa mataas na position (SVP and VP) ay kelan lang dumating sa SSS at kulang ang kakayahan at experience upang ma-promote ay nauna pa sa mga dinatnan na mga executives na nagbuhos ng kanilang buong panahon at kakayahan sa SSS.
Si May Ciriaco, Vice President at hindi nakasama sa na-promote ay nag - protesta kay Neri hinggil sa paglabag na ginawa nila sa election ban.
Ipinagwalang bahala ni Neri at ng Social Security Commission ang kanilang sariling Resolution No. 509 na nag rekomenda ng promosyon para sa halos 100 branch managers at mid level officers na ang posisyon ay officer-in-charge sa mahigit na 10 taon na ang nakakaraan at sa halip ay nag-promote ng 9 na senior officers na walang basehan.
Ang Union ng SSS (Alert and Concerned Employees for Better SSS), o ACCESS sa kanilang liham kay Neri noong April 7, 2010, ay nagreklamo hinggil sa ginawa nitong paglabag ng 5 beses sa Merit and Selection Board , Civil Service Commission Memorandum Circular No. 3 na dapat ang rekomendasyon ay manggagaling lamang sa 5 pagpipilian ng Personnel Selection Board(PSB). Ang mga inilagay ni Neri ay taliwas sa kanilang rekomendasyon.
Sibi ng Unyon, ito ang kauna-unahang pagkakataon na binalewala ng Presidente ng SSS ang mungkahi ng PSB na dumaan sa masusing proseso. Wala rin itong kunsultasyon na ginawa kaninuman.
Abangan.