Bilugan ang pangalan ni Nepomuceno

BINABAKLAS ng mga kalaban nila ang mga tarpaulin nina Rep. Marci Teodoro, Vice mayoral bet Bolok Santos at konsehal Elmer Nepomuceno sa 1st District ng Marikina City at pinapalitan. Itong sina Teodoro, Santos at Nepomuceno ang tinaguriang “Dream Team” sa Marikina dahil sila ang pinag-uusapan sa mga umpukan ng mga botante at maging ng mga kalaban nila. ‘Ika nga sa “Dream Team” ng USA basketball, lamang na lamang sina Teodoro, Santos at Nepomuceno sa mga kalaban nila. Pero kung tingnan n’yo mga suki, hindi magkasama sa partido ang Dream Team subalit dinadala sila ng mga residente dahil sa mga plataporma at pakikitungo nila sa kanila. Sina Nepomuceno at Teodoro ay Independent samantalang si Santos ay nasa Bagumbayan party ni Vice Presidential bet Bayani Fernando. Kahit iba’t iba ang partido nila, magkasama naman sa tarpaulin ang tatlo. Kaya sa inggit ng mga kalaban nila dahil sa tumataas kada araw ang tsansa nilang manalo, hayun pinagbabaklas ang mga tarpaulin nila. Lumang estilo na ang pinapagana ng mga kalaban nina Teodoro, Santos at Nepomuceno.

Kahit nilalamangan naman sila ng mga kalaban, hindi nagpapahinga sa pagkampanya sina Teodoro, Santos at Nepomuceno. Lalo si Nepomuceno na ang konsentrasyon sa ngayon ay ang mga Bgys. Malanday at Sto. Niño. Sa siyam na barangay sa District 1 ang Malanday at Sto. Nino ang pinakamalaki at gagahulin ka sa oras kapag hindi mo pinag-ukulan ng atensiyon ang mga ito. Habang isinusulat ito, si Nepomuceno ay tatlong araw na sa Bgy. Malanday. Sa tingin niya kasi aabutin siya ng isang linggo bago maikot ang lahat ng sulok nito para sa house-to-house campaign. Mga isang linggo rin ang planong pangangampanya ni Nepomuceno sa Bgy. Sto. Niño.  Kung ano ang ginagawa niya sa Bgys. Barangka, Tanong, Jesus de la Peña, Sta. Elena, San Roque, at Ca­lumpang tulad ng pagtulong sa mga me sakit, ay gan’un din ang estilo ni Nepomuceno sa Malanday at Sto. Niño. ‘Ika nga’y walang lamang sa pagtingin ni Nepomuceno sa mga residente sa sakop niya. Kapag nanalo si Nepomuceno tiyak pantay-pantay din ang tulong niya sa mga botante niya. Kung sabagay, anim sa 33 kandidato ang tumatakbong konsehal sa District 1 ng Marikina, kaya hindi mahirap bilugan sa korteng itlog ang pangalan ni Nepomuceno.

Natutuwa kasi ang mga botante dito kay Nepomuceno dahil siya lang ang nangako na hindi siya tatanggap ng suweldo kapag nasa City Hall na siya. Imbes, ang pera na dapat mailuklok sa kanyang bulsa ay gagamitin ni Nepomuceno para tulungan ang mga bantay-bayan at mga senior citizens. Hamakin mo ‘yan, inu­una pa ni Ne­pomuceno ang kapakanan ng mga botante niya kaysa sarili at pamilya niya, di ba mga suki? Kung ang lahat ng kandidato ay ganito ang sistema para makatulong, eh di sana hindi na magkaroon ng away sa ating bansa, di ba mga suki?

Abangan!

Show comments