Mangingisda ng tao

ITINALAGA ni Hesus si Simon Pedro upang mamuno sa Kan­yang simbahan. Siya ang natatanging apostol na sa kabila ng kanyang pagtatakwil kay Hesus ay lubusang nagsisi at humingi ng kapatawaran. Siya’y pinatawad at bukod doon ay ipinagkatiwala pa sa kanya ang Kanyang itinayong simbahan. Kaya sa pananampalatayang Kristiyano, siya ang kauna-unahang pinuno na tinatawag natin ngayong Papa.

 Ang kauna-unahang pagkikita ni Hesus at ni Pedro ay sa tabi ng Lawa ng Genesaret. Hiniram ni Hesus kay Simon ang kanyang bangka sa dalampasigan. Doon Siya naupo at nangaral sa mga tao (Lk50:1-11). Bilang pasasalamat ay sinabi ni Hesus kay Simon na pumalaot ang bangka at ihulog ang lambat. Nakahuli sila nang maraming isda. Sa muling pagkabuhay ni Hesus ay muli Siyang napakita kay Pedro kasama ang mga apostol sa may Lawa ng Tiberias. “Mga anak, mayroon ba kayong huli?” tinanong sila “Wala po” tugon nila. Nagliwanag ang kanilang kabuuan at nakilala na nila si Hesus na muling nabuhay lalo na noong sinabi sa kanila na ihulog ang lambat sa gawing kanan ng bangka at muli silang nakahuli nang maraming isda.

 Sa unang pagkahuli ni Pedro ng maraming isda ay basang-basa siya at nakahubad na nagpasalamat kay Hesus. Ngayon naman ay nagdamit muna bilang tanda ng paggalang at matapos ang tatlong beses na pagsubok ni Hesus ay sinabi niya: “Panginoon, nalalaman po ninyo ang lahat ng bagay, nalalaman ninyong iniibig ko kayo”.

Dito natin mapapagnilayan na si Simon ay ang Pedro ibig sabihin ay Bato na itinayo ni Hesus na kailanman ay hindi masisira o magigiba. Si Pedro ang mangingisda nating mga tao. Tayo’y pinagsasama-sama niya upang magbalik-loob sa iisang simbahang itinayo ni Hesus: “Peter, you are the rock and upon this rock I will build my church and the powers of hell will not prevail against it”, “Pedro, ikaw ay bato at sa 

Show comments