^

PSN Opinyon

Ang bayan ko'y ito

PILANTIK - Dadong Matinik -

Ang San Pedro ay maganda

ito’y bayang pinagpala,

Mga tao’y matiisin

tahimik at palasimba;

Pagka’t ito’y unang bayan

sa probinsiya ng Laguna

Kaya unang mararating

kung mula ka sa Maynila.

Ang San Pedro ay kinuha

sa ngalan ng Santong Banal

Na sa langit ay may susi

pagka’t doon tayo’y bawal;

Subali’t kung ang ‘yong puso

at ang diwa ay marangal –

Si San Pedro’y nakangiting

sa langit ka’y ipapasyal!

Ang San Pedro ay mabango –

simbango ng sampaguita

Gayundin ng Ilang-Ilang

ng champaca at ng camia;

Mga tao’y masigasig

na magtuhog sa kanila

Kaya dito ay may garlands

kung graduation at parade!

Ang San Pedro ay maginto –

mga gintong hugis itlog

Dahil manok ni San Pedro –

ay masipag na mangitlog;

Kaya dito ay sagana

sa itlog na penoy, balut -

Na nagtawid kahirapan

sa maraming ngayo’y bantog!

Ang San Pedro ay matatag

 may anak na mababait,

Mga tao’y nagsisikap

 na sila ay walang batik;

Umaangat itong bayan

   pagka’t lahat nagsasakit –

Na tumuklas ng biyaya –

   na gamit ang puso’t isip!

ANG SAN PEDRO

KAYA

PEDRO

SAN

SAN PEDRO

SANTONG BANAL

SI SAN PEDRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with