^

PSN Opinyon

Last-two-minutes deal sa Clark Field

SAPOL - Jarius Bondoc -

ANO itong nangyayari sa government-owned Clark International Airport Corp.? Balitang inaapura ni Chairman Nestor Mangio ang pagkontrata sa Kuwaiti firm Al Mal ng pagpapalawak at pagpapatakbo ng Diosdado Macapagal International Airport. Ito’y bagamat ibinasura na ng CIAC mismo ang unang offer ng Al Mal dahil sa sobrang panlalamang sa gobyerno. Dagdag pa rito ang pagsusuri ng Government Corporate Counsel na ilegal ang binabalak ang joint venture ng Al Mal at CIAC. Hinahabol umano ni Mangio na magkapirmahan bago mag-Marso 26, simula ng election ban sa pangongontrata sa gobyerno.

Lumipad si Mangio sa Kuwait nu’ng makalawang Sabado para tapusin ang negosasyon kay Sheikh Loay Al Kharafi, chairman ng Al Mal at anak ng Speaker ng Kuwait. Kasama niya sina CIAC president Victor Jose Luciano at board members Romeo Dyoco at Rafael       Angeles. Atubili umano ang tatlo na suportahan si Mangio. Ito’y dahil ibinasura ng joint venture selection committee ng CIAC board, na pinamunuan ni Dyoco, ang Kuwaiti offer nu’n pang Disyembre 2008. Sinabi rin ng Government Corporate Counsel na ilegal ang mga probisyon ng joint venture. Tatlo rito ay ang:

• Pagbigay ng Terminal-1 sa Al Mal sa halagang $20 milyon lang sa loob ng 25 taon, bagamat $120 milyon ang inaasahang kikitain;

• Pagpapasok ang Al-Mal ng $200 milyon para sa Terminal-2 joint venture kung saan 70% ito at 30% lang ang CIAC. Labag ito sa Saligang Batas na nagtatakda na 60% dapat ang Pilipinong puhunan sa public utilities. Palusot ng Al Mal na ka-consortium na kasi ang 100% Pilipinong kumpanyang PRIDE, na front lang ng politikong Batangueño na nagmamaneobra ng kontrata.

• Magtatayo ang Al-Mal ng Terminal-3 sa kondisyong wa-lang bubuksang ibang airport ang gobyerno na may 50-kilometer radius mula dito— isang pagtatali ng kamay ng gobyerno.

AL MAL

AL-MAL

CHAIRMAN NESTOR MANGIO

CLARK INTERNATIONAL AIRPORT CORP

DIOSDADO MACAPAGAL INTERNATIONAL AIRPORT

GOVERNMENT CORPORATE COUNSEL

KUWAITI

MAL

MANGIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with