Alibughang anak

SI Hesus ay hinusgahan ng mga Pariseo at mga Eskriba: “Ang taong ito’y nakikisalamuha sa mga makasalanan at nakikisalo sa kanila”. Muli nating pagnilayan ang estorya ng Alibughang anak. Isang mayamang ama ang may dalawang anak na lalaki. Lumapit ang bunso at hiningi ang kanyang mana. Ibinigay ng mapagmahal na ama. At kaagad ay pinagbili ito ng anak at nagtungo sa malayong lupain, nilustay ang lahat sa di-wastong pamumuhay. Naubos ang lahat at nag tag-gutom. Nagdalita at namasukan bilang alila. Nag-isip-isip at nagbalik sa ama: “Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat na tawagin ninyong anak, ibilang na lamang ninyo akong isa sa inyong mga alila.”

Ang isang tunay na ama ay maawain at mapagpatawad: nahabag, patakbo siyang sinalubong, niyakap at hinangkan. Naghinanakit ang panganay na anak at hindi ang kabutihan ng ama. Hinikayat siya at sinabi: Lagi kitang kapiling, lahat ng ari-arian ko iyo. Magsaya at magalak; sapagka’t namatay ang kapatid mo ngunit muling nabuhay; nawala nguni’t nasumpungan.

Ang Diyos Ama ay mapagpatawad. Napakaraming mga istorya at talinhaga ang ipinangaral sa atin ni Hesus. Lubusan ang pagpapatawad sa atin ng Ama. Lagi Siyang naghihintay sa atin upang humingi tayo ng kapatawaran. Mangako tayo ng tunay na pagsisisi at pagpapanibagong buhay. Nagbalik-loob sa ama ang bunsong anak. Nagsisi at humingi ng kapatawaran. Ang panganay na anak na lubusang naglingkod sa ama ay napuno ng hinanakit at galit sa bunsong kapatid na naglustay ng ari-ariang moral at material. Hinikayat din siya ng ama upang magpatawad.

Sino kaya tayo sa dalawang magkapatid? Kailanman ang Diyos ay hindi namimili kung anong uri ba ang nagawa na-ting kasalanan. Ang mahalaga sa Ama ay ang ating paglapit

sa Kanya, patuloy na humingi ng tawad, magsisi at magpanibaong buhay-kabanalan. Patawarin mo kami, Ama!

Binabati ko ang mga Graduating students ng Velmaris School, Dasmariñas, Cavite na binigyan ko ng holy retreat (March 11 and 12) sa La Sallette Retreat House, Silang, Cavite ganundin ang MEW ng SAMEC (Saint Andrew Marriage Encounter Community, March 12,13 at 14) sa Heart of Jesus and Mary Convent sa Tagaytay City.

Jos 5:9, 10-12; Salmo 34; 2Cor 5:17-21 at Lk 15:1-3,11-32

Show comments