^

PSN Opinyon

Mga Tinga biktima ng black propaganda?

- Al G. Pedroche -

KAMAKAILAN ay napabalita ang tungkol sa paggamit ng drug money ng ilang politiko sa kanilang pangangampanya. Kasunod nito’y pangungunahan daw ni Ilocos Norte Rep. Roque Ablan ang isang imbestigasyon sa Kamara para busisiin ang isyu.

Ito’y tahasan pinasinungalingan ni Rep. Ablan lalu pa’t nadadawit ang pangalan nina former Supreme Court Associate Justice at Taguig mayoralty candidate Dante O. Tinga, at kanyang anak na si Taguig Mayor Freddie R. Tinga. Kaya imbes na ang narco-politics issue ang sisiyasatin ni Ablan, ini-utos niya ang pagtunton sa pinagmulan ng balita. Habang sinusulat ang kolum na ito, nasa abroad si Ablan sa isang opisyal na gawain.

 Sabagay – political season ngayon. Hindi na natin malaman kung ano ang totoo at kung ano ang mga hinabi-habing istorya na naninira sa mga kandidato. Kasunod nito, sinabi naman ng mag-amang Tinga na handa silang magpa-imbestiga para malinis ang kanilang pangalan.

Ani Mayor Freddie, “We share the public’s concern, as we have also seen many of our drug arrests set free because of legal technicalities.  We stand by our position that the law applies to everyone whatever their last names may be,”. 

Iginigiit ng mga Tinga na kadudaduda ang “timing” ng mga balitang ito sa narco-politics at malamang na ipina-kakalat ng kanilang mga kalaban sa politika.

 Kaya niluluto na ng mga legal counsel ng mga Tinga ang libel charges laban sa mga nag-umpisa sa mga balitang ito kasama sina PDEA agent Jeffrey M. Roquero. Roquero was allegedly the source of the malicious news article accusing the Tingas of having influenced former Pasig Regional Trial Court Judge Raul Villanueva into dismissing a drug case against Fernando and Alberto Tinga and Allan Carlos last December.

Ayon sa abogado ng mga Tinga, ang akusasyon ay walang basehan lalu pa’t ang mga lumayang suspect ay tatlong taon nang nagdusa sa kulungan. Bukod diyan, walong buwan nang retirado si Justice Tinga nang lumabas ang desisyon ng Korte.

ABLAN

ANI MAYOR FREDDIE

DANTE O

FERNANDO AND ALBERTO TINGA AND ALLAN CARLOS

ILOCOS NORTE REP

JEFFREY M

JUSTICE TINGA

KASUNOD

TINGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with