NAYANIG ang Bureau of Immigration sa balitang sumabit ang mga tauhan nito sa Clark matapos mag-reklamo ang isang OFW na minaltrato sa aboard este mali abroad pala.
Properly coordinated ang gestapo style raid sa nasabing paliparan matapos kumanta ang isang dating immigration officer sa matindihan kikilan ng pitsa para makaalis ng Philippines my Philippines ang isang nagpapanggap na turista na gustong maghotraba sa ibang bansa.
Nasungkit ng mga authorities ang isang AWOL na immigration girl dahil ikinanta ito ng kanyang best of friend na siya ang utak ng human smuggling daw sa DMIA.
Sabi nga, turuan blues.
Sa buwisit ng bebot na ikinanta ng kanyang best of friend sa pitsa ay naghugas kamay naman ito at sintunadong nagkakakanta sa NBI ng mga kasabwat niyang animal na kawatan sa BI DMIA tulad ng isang aka Ernie natalo, na utak ng sindikato sa nasabing place.
Ayon sa kuento ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, matagal na ang kagaguhan sa Clark airport at ang mga bugok dito ay kumita o nagkamal ng million of pesos kasama ang isang contact man nila sa NAIA.
Si Ernie natalo, ang sinasabing leader ng mga sindikato sa paliparan at kung haharang-harang ang isang bright sa operation ng mga hunghang tiyak 100% sibak ka sa puesto.
Walang puedeng pumalag sa mga sindikato sa Diosdado Macapagal International Airport lahat ng mga turistang umaalis dito ay hindi puedeng makasakay sa eroplano ng dehins makokotongan.
Ayon sa asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga tourist na hindi nakokotongan sa airport ay iyong mga mukhang ‘smart’.
Sabi nga, hindi tatanga-tanga.
Sinabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, na masakit sabihin ang mga nakukunan ng pitsa ay iyong mga pakaang-kaang pero ito talaga ang kalakaran sa airport.
Hindi biro ang operasyon sa Diosdado Macapagal International Airport marami na ang nasibak dito na hindi pumayag sa operasyon ng sindikato. Ang iba naman ay kusang nagpaalis sa airport dahil hindi nila makayanan ang mga makakapal na mukha na mga bugok na kasamahan nila.
Ika nga, buwaya talaga.
Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, naka-tiembre ang grupo ni Ernie natalo sa isang sinasabing NAIA official ng malaking halaga kaya ang kikilan blues sa DMIA ay hindi tumitigil dahil sa natatanggap na pitsa.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, P4,000 to P5,000 kada turista kuna in turn magta-trabaho pala sa abroad ang inaabot nila sa mga kamote todits.
Ang bebot na ikinanta na AWOL ang siyang kasador sa grupo ni Ernie natalo.
Sabi nga, taga-tiembre!
Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kailangan kalkalin ang lifestyle ng mga hunghang para malaman ng madlang people kung saan nanggaling ang mga limpak na limpak na pitsa ng mga tarantado.
Ang Office of the Ombudsman ang dapat mag-imbestiga para magka-aregluhan este mali matapos pala ang mga racket ng mga kamote sa Clark.
Gayunman, may mga sinibak pala si BI Commissioner Marcelino Libanan sa Clark subject for investigation ang mga ito.
Si Ernie natalo ang dapat maalis at makulong dahil ito ang leader ng mga sindikato sa nasabing paliparan.
Hintayin!