^

PSN Opinyon

Lindol ng impormasyon

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

WAKE up call sa ating mga Pilipino ang Haiti earthquake ng January 12. Matagal nang inaantabayanan ng ating mga eksperto ang tanda ng inaasahan nilang matinding lindol. Ang Enriquito-Plantain Garden Fault sa katimugan ng Haiti, sanhi ng halimaw na January 12 quake, ay walang kinaiba sa Philippine Fault sa haba at sa lalim. Kaya sa ngayon ay double time ang PHIVOLCS sa pag­hahanda sa posibilidad (huwag naman sana) na sumunod tayo sa malas ng Haiti.

Ito lamang 2010 ay nakapagtala na ng apat na lindol sa iba’t ibang bahagi ng bansa, kasama ang Zamboa-nga del Norte, Ilocos Norte, Sorsogon at General Santos City. Mabuti at kumikilos ang ating mga awtoridad: Ang     DepEd ay nag-umpisa na sa inspection at assessment ng mga school buildings; ang DPWH ay nag-umpisa na ring suriin ang mga government buildings; at ang mga Engineering Department ng mga pamahalaang lokal ay panay na rin ang preparasyon.

Sa isang bansang bumabangon pa mula sa pina­kahuling kalamidad ng kalikasan, ang anumang diskusyon tungkol sa panibagong kalamidad ay usaping mas madaling isantabi imbes na pag-usapan. Subalit mahirap magbulag-bulagan at magbingi-bingihan kapag ganito ang katotohanan: Ang tinatayang damage ng Metro Manila sa isang 7.2-magnitude na lindol ay 33,500 ang patay agad, 18,000 patay sa 500 na sabay sabay na sunog, 114,000 napinsala, 3 milyong residenteng mag-aalisan, 175,000 ?na gusaling masisira, at 35% ng pam­publikong gusali masisira rin.

Upang maiwasan ang trahedya, wala pa ring mas epektibong lunas kaysa matinding paghahanda. At ang pinakamadaling paraan upang madikdik sa kaisipan ang isang kultura ng kaligtasan ay maibahagi ang lahat ng impormasyong kailangan – hindi lang earthquake drill — upang makapagdesisyon bago pa man mangyari ang trahedya.

Halimbawa na lang – ang Quezon City ay mas ligtas kay­sa Maynila dahil halos adobe ang ilalim ng lupa. Sa Maynila naman, ang ilalim ay buha­ngin ng ilog at bayba­ying dagat kaya’t hindi kasing solid. Ka­pag alam natin ang ga­ni­tong mga datos ay mas magi­ging handa tayo pag duma­ting ang panahon.

Kailangan nating ma­ging armado laban sa peli­gro ng kalikasan. At ang pi­naka-    epek­tibong armas ay ang im-por­mas­yon at pre­pa­rasyon. Ang kaila­ngan natin ay lindol     ng impormasyon.

ANG ENRIQUITO-PLANTAIN GARDEN FAULT

ENGINEERING DEPARTMENT

GENERAL SANTOS CITY

ILOCOS NORTE

PHILIPPINE FAULT

QUEZON CITY

SA MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with