^

PSN Opinyon

Sino ang pipiliin sa 2010?

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

KAHIT na anong grabeng kaguluhan sa paligid-ligid ay hindi napapansin ng ating mga kababayan. Basta ang mahalaga sa kanila ay pulitika. Kandidatura nila sa pagka-presidente, bise o pagka-senador. Hindi na nila napa­pansin pa kung malapit nang magunaw ang mundo. Kaya pasok-labas lamang sa kanilang mga taynga kahit libong buhay na ang namatay sa lindol sa Haiti.

Manhid na sa ibang mga bagay ang ating mga pulitiko. Pati topic ng diskasyon at pinagdedebatehan ng mga kandidato ay gasgas na gasgas na at hindi na nagbibigay interes sa mga tagapakinig. Hindi na yata binigyan pa ng pagkakataon na mabigyan man lamang ng butas na mapag-usapan ang mga isyu na magtataas ng moralidad ng sambayanang Pilipino.

May bago bang narinig na programa sa katulad ni dating President Erap Estrada na marami ang nagtaka kung paano nakatakbong muli? Si Manny Villar naman ay may bahid daw ng korapsiyon sa ulo nang dahil kumita ng pera ang mga property nito sa paggamit ng ibang lupain. Pati naman ang anak ng mga bayaning Ninoy at Cory Aquino ay hindi rin ligtas. Ang kayamanang namana nito ay inagaw daw sa mga mahihirap na magsasaka ng Hacienda Luisita. Halos ganito rin ang ipinararatang sa pinsang Gilbert Teodoro.

Hindi nga nakatutuwa ang mga naririnig nating mga paratang sa mga kandidato partikular na sa presiden­tiables. Lalong nakakahiya kapag may nakausap kayong mga taga-ibang bansa. Hindi nila maintindihan kung bakit sobra ang dami ng mga kumakandidato samantalang kitang-kita naman nila ang malawakang paghihirap ng ating bansa. Para bagang sinasabi nilang nagpapayaman lamang ang mga ito kaya gustong maging presidente.

Hindi ako magsasawang sabihin sa mga mambabasa na piliing mabuti ang ka­nilang iboboto sa pagka-presidente. Kung inyong dadahan-da­ha­nin ang pag-aaral sa mga kan­didatong tumatakbo sa pagka-pre­sidente, mayroon pa rin kayong mapipili kung sino talaga ang maaaring ma­ging presidente sa 2010. Ang mahalaga ay maka­alpas tayo sa pagkagapos sa kasa­lukuyang adminis­trasyon.

CORY AQUINO

GILBERT TEODORO

HACIENDA LUISITA

KANDIDATURA

PATI

PRESIDENT ERAP ESTRADA

SHY

SI MANNY VILLAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with