^

PSN Opinyon

Kawawang bata, nagka-trauma dahil kay Chairman Itoy Ejercito

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

TALAGA nga yatang may sapak sa utak si Chairman Joey “Itoy” Ejercito ng Bgy. 190, Zone 17, Barrio Obrero, Tondo, Manila. Nagsalita siya sa harap ng mga matitinong chairman sa bulwagan ng barangay at sinabing sinisiraan ko siya. Ito yung tungkol sa nakaw na motorsiklo na ginamit niya para pampatrulya sa kanyang barangay. Chairman Ejercito, kahit matagal nang hindi natutubos ng tunay na may-ari ang motorsiklo wala kang karapatan na gamitin ito para sa iyong kahambugan. Kung hindi mo pinakialaman ang hindi sa’yo, hindi sana nakaladkad ang pangalan mo sa kahihiyan.

Heto pa ang isang maanghang na isyu laban sa’yo na dapat mong harapin. Ayon sa mga nakausap ko, mahigpit nilang tinutulan ang pagtayo ng Arko ng barangay sa S. Delos Santos corner M. Ocampo Sts. dahil bukod sa makipot na ang kalye, malaking abala sa pagdaloy ng tubig-kanal na tinamaan ng pundasyon at sa pangambang makakapinsala ito sa tubo ng MWSS. Subalit tila bingi at bulag ka Chairman Ejercito sa pakiusap ng iyong constituents. Nais mo lang yata na ipangalandakan ang iyong pangalan sa Arko na hindi man lamang isinasaalang-alang ang kapakanan ng mga residente kapag nagkasunog. Get mo chairman?

Sa nakita kong kababaan ng Arko, mahihirapan ngang pumasok ang mga trak ng bumbero kapag nagkasunog sa iyong barangay. Ito ba’y upang ipangalandakan ang iyong pangalan sa Arko ng hindi ka nila malilimutan sa iyong panunungkulan? Kung siguro maganda ang iyong panunungkulan bilang chairman ng Barangay 190 tiyak na hindi ka nila malilimutan. O baka naman nais mo lang ipakita ang iyong kamandag sa mga kaaway na sina Reynaldo “Bobot” Pimentel at Alexander “Alex” Rodriguez?

Sina Bobot at Alex ay tinukoy sa akin ni Insp. Brendo Macapaz na mahigpit na kaaway ni Ejercito. Nakausap ko sa telepono si Macapaz hinggil sa nakaw na motor­siklo.

Nagtungo sa akin sina Pimentel at Rodriguez at inilahad ang mga kabalbalan nina Ejercito at Kagawad Tawing Dizon sa kanilang barangay. Ayon kasi kay Rodriguez, halos lahat ng suportang material at financial sa barangay ay kanya nang ipinagkaloob kay Ejercito mula nang manungkulan subalit naputol ito nang ma-trauma ang kanyang menor-de-edad na anak. Ayon pa kay Rodriguez, noong September 19, 2009, sapilitang kinaladkad ni Ejercito at mga tanod ang kanyang 14 yrs old na anak kasama ang ilang kabataan na nagku­kuwentuhan sa harap ng computer shop (pag-aari ni Rodriguez) patungo sa barangay hall. Habang nasa loob ng barangay hall ang mga kabataan kabilang ang kanyang anak, pasigaw na pinagmumura ni Ejercito. Inireklamo ni Rodriguez si Ejercito sa Ombudsman. Iyon umano ang ugat kaya nagkahiwalay ang landas nina Ejercito at Rodriguez.

Si Pimentel naman ay nakatikim din ng hindi ma­gandang karanasan kay Ejercito sa araw mismo ng kan­yang birthday noong October 16, 2009. Habang nagka­ka­siyahan daw sina Pimentel at mga bisita nito sa bakuran ng kanilang bahay, sapilitang pumasok sina Ejercito kasama ang mga pulis sa pangunguna ni Supt. Remegio Sedanto at dinala siya sa Abad Santos Police Station. Na-detained siya ng limang oras sa Station kaya kinasuhan ni Pementel sina Ejercito at Sedanto sa piskalya ng Maynila. Ayon pa kay Pimentel, ginantihan lamang umano siya matapos maging saksi sa panunutok ng baril ng mga kaibigan ni Ejercito na naganap sa harapan ng kanyang bahay.

Talaga yatang malaki na ang sapak sa utak ni Ejercito at dapat nang tuldukan. Abangan!

ABAD SANTOS POLICE STATION

ARKO

AYON

BARANGAY

CHAIRMAN EJERCITO

EJERCITO

IYONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with