NGAYONG araw na ito nagtatapos ang Panahon ng Kapaskuhan. Ito ang kapistahan ng Pagbibinyag sa Panginoon. Ipinahihiwatig sa atin ni Hesus na ang pag-ibig ng Ama ang nagbabalik sa atin sa liwanag. Sa ating pagdiriwang ngayon mahahayag ang kaningningan ng Panginoon na nagligtas sa atin at muli tayong ipinanganak sa tubig sa Espiritu Santo. Ngayong bagong taon na ito ay ating hingin kay Hesus ang Espiritu ng Liwanag na marami pa sa atin ang nalalabuan pa sa katotohanan.
Sa ating paghahanda sa nakaraang Pasko ay naghari rin sa atin ang pananabik na kadalasan ay pagdiriwang na materyal. Subali’t kabigha-bighani rin na ating nasaksihan na napakadami rin sa ating mga kapwa Kristiyano ang lubusang naghanda sa kapaskuhan sa pagbuo nila ng siyam na gabi o madaling-araw na sama-samang nagsisi, pagpuri at nagpasalamat sa Diyos na muli nating ipinagdiwang ang kaarawan ng pagsilang ni Hesus sa mundong ibabaw.
Ipinagdiwang natin ang nakaraang Pasko at taos-puso tayong nagpuri sa Diyos sa pagsapit ng 2010. Lubusan nating isakatuparan ang ating mga New Year’s resolution upang palawakin ang pagmamahal, pag-unawa at pakikipagkaisa sa ating kapwa. Huwag nating ibalik ang ating pang gugulat at pananakot sa ating kapwa. Halimbawa: Noong nakaraang Lunes merong ilang catholic school na quarterly exam ang nakaplano sa mga mag-aaral. Kasama na rito ang pagbabayad ng tuition fees. Excited ang isang ina na inihanda na ang kanyang tseke para makabayad.Tinanggap ng accounting ang bayad at nagtungo na si Misis sa kanyang pinagtatrabahuhan. Walang anu-ano tumawag sa kanilang bahay ang teller sa accounting office at ang nakasagot ay ang kanyang maid. Sinabi ng accounting office “mali ang tseke na ibinayad n’yo, ang date ay January 4, 2009 pa. Paghindi ninyo ayusin ’yan kaagad ay hindi makaka-exam ang inyong anak.’’ Ne-nerbiyos ang maid. Tuwing unang linggo ng Bagong Taon ay napakarami ang nagkakamali sa petsa na kinasanayan sa nakaraang taon. Ang advise sa atin ay huwag nating takutin ang mga nagkamali sa pagsulat ng petsa.
Kaya’t sa mga katulad ng pangyayaring ito tayong lahat ay humingi ng liwanag. Kung tayo napabinyag kay Juan sa tubig ng ating pagsisisi muli tayong pabinyag kay Hesus na nagbibinyag sa atin sa Espiritu at sa apoy. Ipanalangin natin para sa simbahan manggagawa at mga pinuno na upang ituro ang katotohanan ng Diyos sa liwanag ng Espiritung Banal. Hilingin natin kay Hesus na alisin na sa atin ang mga masasamang espiritu na pagkakanya-kanya na siyang sumisira sa ating lahat.
Is 40:1-5,9-11, Salmo 103; Tito 2:11-14; 3:4-7 at Lk 3:15-16, n21-22