^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Siguruhin na ligtas ang urinal ng mga babae

-

GUSTONG higitan ng bagong MMDA chairman Oscar Inocentes ang nagawa ni dating MMDA at ngayo’y kandidatong bise presidente Bayani Fer­nando. Plano ni Inocentes na magpagawa ng mga urinal para sa mga kababaihan sa EDSA at iba pang pangunahing kalsada. At hindi na rosas (pink) ang kulay ng mga ihian ng babae kundi berde. Kinulayan agad ng pulitika ang plano sapagkat ang berde raw ay kulay ni administration presidential candidate Gilberto Teodoro. Magkaganoon pa man, maganda ang plano ng bagong MMDA chairman at sana sigu­ruhing ligtas ang mga ihian ng babae. Dapat banta­yan para hindi mapahamak ang mga babae.

Bukod dito nararapat din namang mapanatili ang kalinisan ng mga urinal para hindi maging katulad ng mga urinal ng kalalakihan na umaapaw at ngayon ay mapanghi. Sinimulan ni BF ang mga pink urinal para sa mga kalalakihan subalit tila nakakali­mutang linisin. Maganda ang layunin ni BF sa mga ihiang pink sapagkat hindi na nakikitang kung saan-saan na lang umiihi ang mga lalaki, ang problema nga lang, umaalingasaw ang mga ito. May mga “ihian” sa EDSA at Commonwealth na umaapaw na at        ma­panghe. Kaya sa halip na mapakinaba­ngan ng mga lalaki ang ihian ay nakatiwangwang lang. Tila hindi naiplano ni BF na kailangan ay may­rong mag­lilinis ng mga “ihian”. Tila ba ang naging pa­ngu­na-   hing pra­yoridad ni BF ay basta may maihian ang mga lalaki at hindi naman napag-isipan na maa­ari itong umalingasaw kapag hindi nalinis.

Hindi ba’t may mga truck naman ang MMDA na nagdidilig ng halaman? Bakit hindi gamitin ang mga truck na ito para bombahin ang mga “ihian” at nang mawala ang alingasaw? Hindi naman gagastos ang MMDA nang malaki para bombahin ng tubig ang mga mapapanghing “ihian”.

Mahusay din ang pumalit kay BF sa MMDA at ma­ ra­mi na ring naiisip para sa kabutihan ng mga taga-Metro Manila. Ngayon nga ay urinal sa mga babae ang balak gawin. Okey ang planong ito, pero gaya rin naman ng suhestiyon ni BF dapat gawing standard ang mga urinal. Yung urinal na ligtas at hindi mabobosohan ang mga babae habang gumagamit.

At dapat din namang may magmi-maintain o mangangalaga sa mga urinal para mapanatili ang kalinisan. Sayang ang mga ito kapag hindi napa­ngalagaan. Bubuhusan na rin lang ng pondo ay paghusayan na.

BAYANI FER

GILBERTO TEODORO

IHIAN

METRO MANILA

PARA

SHY

URINAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with