^

PSN Opinyon

Judicial Courage

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

NANG tanggihan ni Judge Luisito Cortez ang paghawak sa Maguindanao Massacre case, hindi lamang ang sarili niyang reputasyon ang napahamak. Higit dito ay ang kasiraang tinamo ng tiwala at kumpiyansa ng taong bayan sa ating Hudikatura.

Hindi inatrasan ni Judge Cortez ang nauna nang na-assign sa kanyang Bersamin Murder Case. Warlord din ng Abra ang doo’y nasasakdal. Kaya hindi naman tama na pagdudahan ang kanyang pagkalalaki. Mukha namang haharapin niya ang anumang hatol na ibababa ng Mataas na Hukuman sa kanyang pagtanggi (hindi kasama sa grounds for disqualification ng Code of Judicial Conduct ang “pag-aalala sa kaligta-san ng pamilya”).

Subalit parusahan man siya ay hindi pa rin madaling mabawi ang naiwang lamat sa kredibilidad ng Hudi­katura. Mahalagang mapaniwala ang bawat mama­mayan na ang kanyang mga karapatan ay panganga­tawanan ng Pamahalaan laban sa kahit sino. Na ang Hudikatura’y maasahang iuna ang batas bago ang lahat. Kung ang ating mga hukom ay tatalikod sa kanilang sinumpaang katungkulan dahil mga hindi awtorisadong katwiran, anong senyales ang pinapadala nito sa taong bayan? Simpleng simple: Na ang pamahalaan ay kayang daanin sa sindakan. Taob ang anumang ekspek­tasyon na lahat ay pantay pantay ang pagkakataon sa ilalim ng batas.

Haligi at pundasyon ng isang progresibong lipunan ang good governance. At malaking bahagi nito ang isang gobyernong sumusunod sa patakaran at hindi nagpa­padala o nagpapabulyaw sa interes ng kung sino lang ang malakas. Gaya ng nakatitik sa oath of office ng mga hukom: “Ilalapat ko ang katarungan nang walang pagkiling sa sino mang tao at ipa­tatamasa ang pantay na karapatan sa mahi­rap at maya­man.”

Sa ganitong liwa-nag dapat tingnan ang pagpasiya ni Judge Jocelyn Solis –Reyes na tanggapin ang Ma­guindanao Massacre assignment. Siempre kahanga-hanga ang kanyang tapang. Gina­gawa lang daw niya ang trabaho niya. Pero buong lipunan ay nag­pa­­salamat na sinalo niya si Judge Cortez. Hin­di lamang ang sarili niyang reputasyon ang bumango. Higit dito’y naibalik ni Judge Solis-Reyes ang tiwala at kumpiyansa ng taong bayan na ang Hudika­tura’y maaasahang ga­gampanan ang maha­laga nitong panana­gutan “nang walang anumang pasubali o hangaring umiwas.”

Judge Luisito Cortez               Tinimbang: Kulang

Judge Jocelyn Solis-Reyes                 Grade: Future Chief Justice

BERSAMIN MURDER CASE

CODE OF JUDICIAL CONDUCT

FUTURE CHIEF JUSTICE

HIGIT

HUDIKATURA

JUDGE CORTEZ

JUDGE LUISITO CORTEZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with