Abuso sa ARMM
KAPANSIN-PANSIN ang naging pag-abuso sa Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM), partikular na ng pamilya ni dating Gov. Andal Ampatuan Sr. at anak niyang si Zaldy, sa mga nakasaad na kapangyarihan sa nasabing panunungkulan.
Isa sa mga kapangyarihang ito ay nasa kamay ng ARMM lawmaking body, ang Regional Legislative Assembly, na kung saan ito ay binigyang powers ng Expanded ARMM Law to set their own criteria in merging, dividing, abolishing, and creating new provinces, cities, municipalities or barangays in the area.
Hawak din ng mga Ampatuan sa leeg ang RLA kaya ito ay naging sunud-sunuran na rin sa kung ano ang gusto ng nakatatandang si Andal Sr.
At ginamit nga ang kapangyarihang ito sa paglikha ng dagdag na mga barangay at bayan, pati na nga ng isang panibagong lalawigan sana, sa ARMM, lalo na sa Maguindanao na kung saan ang mga Ampatuan ang namamayagpag.
May tinatayang sampung Ampatuans ang mayor sa 10 out of 36 towns sa Maguindanao. At higit pang nakakaraming iba pa nilang mga kamag-anak na naluklok din sa iba’t ibang puwesto sa rehiyon.
At ang mga pinakahuling bayan na nilikha ay ang mga bayan ng Datu Hoffer Ampatuan, Datu Salibo, and Shariff Saydona Mustapha. Their creation last month brought the total number of towns in Maguindanao to 36.
Ngunit pinutol ng Supreme Court noong nakaraang taon ang pakpak ng ARMM assembly sa paglikha ng bagong lalawigan nang ipinagwalang bisa nito ang creation of the province of Shariff Kabunsuan. Shariff Kabunsuan was carved out of the province of Maguindanao.
Sinasabing ang paglikha ng bagong local government units sa ARMM ay isang pamaraan upang maiwasan ang ‘rido’ o clan wars na ang kadalasang ugat ay ang political rivalries sa mga iba’t-ibang local positions sa isang area.
Ngunit iyon na nga, ang kapangyarihang ito ay inabuso ng lubos dahil nga sa walang pakundangang paglikha ng mga bagong LGUs kahit na wala mang katao-tao ang mga barangays na hinuhugot sa mga existing municipalities at pinagtagpitagpi upang makalikha ng panibagong bayan.
Ginagawa nila ito para lamang sa pansariling interest—upang pagbigyan lahat ng kanilang kamag-anak at silang lahat ay maluklok sa puwesto at masamsam ang Internal Revenue Allotment (IRA) ng mga bagong LGUs. In short, dagdag gastos.
Kaya nga ang pagbaba ng number of LGUs in the ARMM would mean fewer officials and people to pay in terms of services at ang funds ay puwedeng gamitin sa ibang development initiatives.
Itong paglikha ng mga bagong bayan at barangay sa ARMM ay dapat ring maituwid ng pamahalaan bago gaganapin ang halalan ngayong Mayo 11. At dapat na ring ipag-walang bisa ang ano man yong mga bagong municipalities na nilikhang RLA nitong mga huling buwan.
Sa loob ng apat na taon, simula 2005, nakapaglikha ang ARMM ng 16 na bagong municipalities at 25 na bagong barangays.
Swak na swak nga ang pagdagdag ng LGUs sa ARMM upang mai-manipulate ng mga opisyales nito ang elections . Hindi na nga nakapagtataka kung bakit may ganun karaming botante ang isang bagong bayan at hindi binago ang bilang ng mga botante sa original nito na town kung saan ito inukit.
Kaya kailangang ayusin at maituwid ng pamahalaan ang paglikha ng mga bagong bayan na di naman karapat-dapat at nang sa ganitong paraan din maipakita na talagang nililinis ang hanay ng ARMM at hindi na ito maging pugad ng mga mandaraya sa halalan.
- Latest
- Trending