Pagsugpo sa gutom

WELCOME 2010! Kahit masaklap ang ating karanasan sa nakalipas na taon, ayon sa survey, marami pa ring Pinoy ang hindi nawawalan ng pag-asa. Oo nga naman. Imbes na magmukmok eh ’di umasa na lang na magka­karoon ng mas magandang simula ’di ba? Hindi naman mababago ng pagmumukmok at pag-iisip ang situwasyon.

Hunger mitigation, I hope, will remain the paramount objective of the government this year and the years to come. At kung ang pagsugpo ng gutom ang pag-uusapan, importante ang irigasyon.

Mahalaga ito para sa mga magsasaka na prodyuser ng ating pagkain. Kung walang pasilidad at sistema ng irigasyon, hindi maasahan ang magandang bunga o malu­sog na ani sa mga sakahan.

Mabuti’t mayroon tayong episyenteng National Irri-gation Authority (NIA). Ang trabaho nito’y upang maabot ang bawa’t lalawigan sa pamamagitan ng pagbibigay ng maa­yos na patubig, lalu na sa priority areas ng Acce­lerated Hunger-Mitigation Program (AHMP) ng pama­halaan. Layu­nin ng programang irigasyon na mapaunlad ang ani ng mga magsasaka para masiguro ang supply ng bigas at pagkain at madagdagan ang pagkakakitaan ng mga magsasaka.  

Ayon sa datos ng NIA sa National Nutrition Council na siyang inatasang magkaroon ng oversight function sa AHMP, 27,369 na ektarya ng lupang pang-irigasyon ang naisaayos na ng NIA. Ito ay 36.78% na mas mataas kesa sa target na 20,010 para sa taong kasalukuyan. Ma­laking bilang nito ay nakatuon sa priority 1 areas ng AHMP kabi­lang ang Maguindanao, Agusan del Sur, at Zamboa­nga Sibugay. Dagdag pa ng NIA na ipagpapatuloy nila ang paggawa at pagkumpuni ng mga pasilidad ng pa­tu­big sa iba’t ibang lugar ng sa ganun ay makatulong sa pangangailangan ng mga magsasaka at ma­kaahon ito sa kahirapan.

Kabilang ang NIA sa ma­ higit na tatlumpung ahen­siya na bumubuo ng Anti-Hunger Task Force na pina­mumunuan ni Health Secretary Francisco T. Du­que III na nagpapatupad sa Acce­lerated Hunger-Mitigation Program ni Pa­ngulong Gloria Macapagal Arroyo.

Show comments