Pagsugpo sa gutom
WELCOME 2010! Kahit masaklap ang ating karanasan sa nakalipas na taon, ayon sa survey, marami pa ring Pinoy ang hindi nawawalan ng pag-asa. Oo nga naman. Imbes na magmukmok eh ’di umasa na lang na magkakaroon ng mas magandang simula ’di ba? Hindi naman mababago ng pagmumukmok at pag-iisip ang situwasyon.
Hunger mitigation, I hope, will remain the paramount objective of the government this year and the years to come. At kung ang pagsugpo ng gutom ang pag-uusapan, importante ang irigasyon.
Mahalaga ito para sa mga magsasaka na prodyuser ng ating pagkain. Kung walang pasilidad at sistema ng irigasyon, hindi maasahan ang magandang bunga o malusog na ani sa mga sakahan.
Mabuti’t mayroon tayong episyenteng National Irri-gation Authority (NIA). Ang trabaho nito’y upang maabot ang bawa’t lalawigan sa pamamagitan ng pagbibigay ng maayos na patubig, lalu na sa priority areas ng Accelerated Hunger-Mitigation Program (AHMP) ng pamahalaan. Layunin ng programang irigasyon na mapaunlad ang ani ng mga magsasaka para masiguro ang supply ng bigas at pagkain at madagdagan ang pagkakakitaan ng mga magsasaka.
Ayon sa datos ng NIA sa National Nutrition Council na siyang inatasang magkaroon ng oversight function sa AHMP, 27,369 na ektarya ng lupang pang-irigasyon ang naisaayos na ng NIA. Ito ay 36.78% na mas mataas kesa sa target na 20,010 para sa taong kasalukuyan. Malaking bilang nito ay nakatuon sa priority 1 areas ng AHMP kabilang ang Maguindanao, Agusan del Sur, at Zamboanga Sibugay. Dagdag pa ng NIA na ipagpapatuloy nila ang paggawa at pagkumpuni ng mga pasilidad ng patubig sa iba’t ibang lugar ng sa ganun ay makatulong sa pangangailangan ng mga magsasaka at makaahon ito sa kahirapan.
Kabilang ang NIA sa ma higit na tatlumpung ahensiya na bumubuo ng Anti-Hunger Task Force na pinamumunuan ni Health Secretary Francisco T. Duque III na nagpapatupad sa Accelerated Hunger-Mitigation Program ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
- Latest
- Trending