^

PSN Opinyon

Matibay na ebidensiya ng pangangari

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

NANG namatay si Alfonso, nakaiwan siya ng tatlong lupa: Isang may sukat na 495 square meters na ang  tax  declaration ay nasa pangalan niya at inookupahan niya mula 1946; isang may sukat na 285 square meters at nasa ila-lim din ng tax declaration sa pangalan niya; at ang pangatlo ay may sukat na 4,090 square meters na may tax declaration din sa kanyang pangalan. 

Ipinasya ng kanyang siyam na anak na huwag hatiin ang mga ito at hawakan na lang ito na may pare-parehong parte. Isinangla ng magkakapatid ang lupang may sukat na 285 square meters at 4,090 square meters sa isang rural bank. Nang hindi nakabayad ang magkakapatid,    inilit ng banko ang dalawang lupa. Sa subastang ginawa, ang mga lupa ay nabili ni Rodolfo. 

Lumabas na may bahay na nakatayo sa lupang may sukat na 285 square meters na nabili ni Rodolfo. Kaya nagsampa siya ng kaso sa husgado laban sa mga here­dero upang alisin ang bahay na ito. Pumayag naman ang mga heredero at nilipat ang bahay nila sa kabilang lupang may sukat na 495 square meters na minana rin nila. 

Nang magkaroon ng kadastre sa bayan, nagpalabas ng survey notification card ang Bureau of Lands na nag­papakita na ang 495 square meters na lupa ay kay Alfonso nga na minana ng kanyang mga anak. Ngunit pagkaraan na nagkaroon ng pangalawang survey notification card na nagpapakitang ang bahay ay sakop pa rin ng lupang nabili ni Rodolfo sa rural bank. Lumalabas dito sa pa­ngalawang survey na ang lupang nabili ni Rodolfo ay 631 square meters at hindi 285 square meters lang. Kaya pinaalis muli ni Rodolfo ang bahay dahil ito raw ay naka­tayo pa rin sa lupa niya. Tama ba si Rodolfo?

MALI. Malinaw sa tax declaration na ang upang nilipatan at kasalukuyang kinatatayuan ng bahay ng mga heredero ni Alfonso ay nasa pangalan at pamu­mu­sisyon niya mula 1946. At ito’y naisalin at pinamu­sis­yunan ng kanyang mga anak noong siya’y mama­tay. Baga­ma’t ang tax declaration ay hindi sapat na katunayan ng pangangari, ito’y matibay na ebidensiya ng pangangari kung ito’y inookupahan ng may ha­wak nito. 

Sa kabilang dako, ma­linaw naman na ang isa sa lupang nabili ni Rodolfo sa rural bank ay may sukat lang na 285 square meters kung saan dating nakatayo ang bahay. Ang sukat nito’y hindi 631 square meters gaya ng nakalagay sa pa­ngalawang kadastre. Mali­ban dito, si Rodolfo mismo ang umamin na 285 square meters lang ang lupang ito nang mag­sam­pa siya ng kaso upang alisin ang ba­hay ng mga heredero ni Alfonso na naka­tayo rito. Hindi na niya ito maikakaila pa. (Obando et. al., vs. Figueras et. al., G.R. No. 134854)

BUREAU OF LANDS

KAYA

METERS

RODOLFO

SHY

SQUARE

SUKAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with