^

PSN Opinyon

Climate change lubhang "kina-career" ni Loren

- Al G. Pedroche -

NAGULAT ako kay Sen. Loren Legarda. Lubhang kina-career ang pagiging environmentalist. Pati si US President Barrack Obama ay binatikos sa kakulangan ng aksyon upang labanan ang climate change.

Seryosong problema ang climate change. Setting aside politics, natutuwa tayo at may isang mambabatas na seryosong pinagtutuunang pansin at ang usaping ito. Dapat lang!

Si Senator Loren Legarda ang kaisa-isang mamba­batas sa Asia-Pacific region na binigyan ng tsansang magsalita sa inter-parliamentary meeting ng United Nations Climate Change Conference na ginaganap sa Copenhagen, Denmark.

Sa pagsasalita niya sa okasyon, hinamon niya ang Pangulo ng pinakamalakas na bansa sa buong mundo, si US President Obama na tuparin ang mga pangakong kikilos ang US para maibsan ang problema sa climate change at hindi puro salita lamang.

Historical ang pagtitipong ito dahil ang pinag-usapan ay kung paano maisasalba ang mundo sa tiyak na pagkagunaw bunga ng pagbabago ng klima. Mga pagba­bagong magpapalubog sa maraming bansa bunga ng pagkatunaw ng yelo sa mga malalamig na bahagi ng mun­do. Bukod diyan ay nararamdaman na natin ang     mga mabalasik at nakamamatay na kalamidad tulad ng mga di-pangkaraniwang bagyo.

Tinukoy niya ang delubyong naganap sa Pilipinas noong Setyembre dahil sa mga bagyong Ondoy at Pepeng. Tama si Loren. Kailangan ang maagap na aksyon sa isyung ito.

 “Walk the talk,” sabi nga ni Loren kay Obama, lalo pa’t ang US, kasama ang China, ang nagdudulot ng 40 porsyento ng polus­yon sa hangin sa buong mundo, na siyang nagpa­pa­init sa temperatura sa mundo at sinisisi sa pag-init na klima.

 Sabi nga ng barbero kong si Mang Gustin, dapat maipatutupad nang ma­ayos ang landmark environmental law natin – ang Climate Change Act – na si Lo­ren mismo ang may-akda. Kahit ang US ay wala pa nitong batas na ito kaya naman iginiit ng senador kay Obama na himukin nito ang US Senate na ipasa na ang batas.

CLIMATE CHANGE ACT

LOREN LEGARDA

MANG GUSTIN

OBAMA

PRESIDENT BARRACK OBAMA

PRESIDENT OBAMA

SHY

SI SENATOR LOREN LEGARDA

UNITED NATIONS CLIMATE CHANGE CONFERENCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with