^

PSN Opinyon

Patibong sa mga pasaway ng Puerto Princesa!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

NAPAHANGA ang BITAG nang muli naming silipin ang Puerto Princesa City ngayong linggong ito.

Kung crime rate kasi ang pag-uusapan, mababa at halos walang karumal-dumal na krimeng naitala sa siyudad, base sa kanilang 117 record.

Bukod dito, kapansin-pansin ang pagkakaroon ng 13 surveillance cameras sa mga kalsada at intersection sa Puerto Princesa.

Ito’y upang mamonitor ang mga aksidente sa kalsada at ibang di pangkaraniwang nagaganap sa kalye.

Kapansin-pansin din ang kalinisan ng siyudad ng Puerto Princesa. Matindi ang disiplinang pinapairal sa lugar na ito ng ina ng siyudad, ang maybahay ni Mayor Edward Hagedorn na si Mrs. Helen Hagedorn.

Ang kanyang patakaran, mala-kamay na bakal. Kapag nahuling magtapon ng upos, sigarilyo at anumang kalat sa kapaligiran, mahuhuli ka at titiketan sa halagang dalawandaang piso.

Walang puwedeng manlamang dahil gaano man ka-liit ang iyong kalat, may nakakalat na task force ng Oplan Linis sa lahat ng sulok at lugar sa nasabing siyudad.

Mala-undercover ang kanilang estilo dahil hindi sila unipormado, nakikihalubilo at nakikihalo sila sa lahat ng tao sa lansangan.

May ilang personalidad at malalaking pulitikong na-BITAG na ng kanilang Oplan Linis. Sa katunayan sinusun­dan pa nila ito hanggang sa hotel upang pag­mul­tahin ng dalawandaang piso dahil lamang sa pagtatapon ng upos ng sigarilyo sa kalsada.

Ayon pa kay Ginang Hagedorn, maging ang kanyang asawa na pu­nong-bayan ng Puerto Princesa, na­sampulan ng kanilang pama­ma­lakad ng maka­ligtaan nitong magta­pon ng piraso ng siga­rilyo sa harapan ng ka­nilang bahay.

Kung dakilang pasa­way ang isang turista, mapa-lokal man o dayu­han, hindi sasantuhin ng ordinansang ipinatu­tupad sa Puerto Prin­cesa.

Abangan ang pag-ha­harap ng BITAG at ng mga namumuno sa Puer­to Princesa, Palawan.

vuukle comment

ABANGAN

AYON

GINANG HAGEDORN

MAYOR EDWARD HAGEDORN

MRS. HELEN HAGEDORN

OPLAN LINIS

PUERTO PRIN

PUERTO PRINCESA

PUERTO PRINCESA CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with