^

PSN Opinyon

Huramentadong pulis dapat suriin

SAPOL - Jarius Bondoc -

KULANG ang tugon ni Metro Manila police chief Director Roberto Rosales sa paghuhuramentado ng dalawang tauhan sa magkaibang insidente. Ipapakita ko kung bakit.

Nu’ng nakaraang linggo sa isang lamay sa burol, binaril-patay ng lasing na Senior Police Officer-1 Hassan Baharan sa ulo ang ka-live in. Tapos nag-uniporme siyang pulis, nang-agaw ng tricycle, at nakipag-barilan sa dalawang rumespondeng pulis. Napatay ni Baharan ang isa at nasugatan ang ikalawa, na pawang kakilala niya; patay din si Baharan. Sa isang bar naman, pilit sinasayaw ng lasing na PO-2 Eugenio Amaro ang dalawang babae. Nang tumanggi ang mga ito at mga kasamang lalaki, nagpaputok si Amaro at ang tatlong kabarkada (kabilang ang anak ng isa pang pulis). Sa kalsada nagkaroon pa ng running gun battle sa mga tumutugis na pulis; napatay ang kabarkada ni Amaro na anak ng pulis.

Ani Rosales, walang away sa hanay ng mga pulis. Ipinapakita aniya ng pagkamatay at pagkasugat ng mga rumesponde ang kahandaan nila sa tungkulin. At inatasan ni Rosales ang mga hepe ng pulis sa Metro Manila na higpitan nila ang pagpapatupad sa mga regulasyon. Isa na rito aniya ang pagbabawal sa pulis na magdala ng baril kapag naka-civilian attire.

Dapat humakbang pa si Rosales nang dalawa. Una, ipagbawal niya ang paglalasing ng mga pulis. Kalasingan ang pinagmulan ng mga barilan na kinasangkutan nina Baharan at Amaro. Ikalawa, ipasuri ni Rosales sa pamunuan kung bakit nakakalusot sa recruitment nila ang mga animal na katulad ng dalawa. Ma­linaw naman na hindi dapat napapasukan ang pulisya ng mga bayolente, mama­matay-asawa, at sira-ulo.

Kelan lang ay nagwala ang isang US Army major na psychiatrist, at namaril ng mga kapwa sundalo kaya nakapatay ng 13. Sinusuri ngayon ng awto­ridad kung bakit hindi na­pansin na malapit nang mag-flip ang salarin — para maiwasan maulit ang pangyayari. Gan’un din sana sa Pilipinas: laliman ang pagtrato sa mga mase­selang insidente para ma­iwasang bumalik.

AMARO

ANI ROSALES

BAHARAN

DIRECTOR ROBERTO ROSALES

EUGENIO AMARO

HASSAN BAHARAN

METRO MANILA

PULIS

SENIOR POLICE OFFICER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with