^

PSN Opinyon

Ang Villar-Loren tandem

- Al G. Pedroche -

KATAKUTAKOT na batikos ang ibinato ni Sen, Jamby Madri­gal sa “bagong luto at mainit-init pa’ng” Villar-Loren tandem. Nawalan siya kasi ng kakampi sa pagdidiin kay Sen. Manny Villar sa mga kontrobersyang C-5 at double insertion. Kaso, 12-senador na ang pumirma ng reso­lusyon para maabsuwelto si Villar. Pero may mga pag­tatangka pang harangin ang resolusyong ito kaya mag-abang na lang tayo ng further development.

Inamin ni Loren na kahit nanguna siya noon sa pagpa­paimbestiga kay Villar, napatunayan niyang klaro sa kaso ang Senador kaya sumusuporta na siya kay Villar ngayon. Well, sabi nga – politics make strange bedfellows.

Well, the Villar-Loren tandem came as no surprise. Noon pa sinasabi ni Villar na ang kanyang kukuning ka­pareha ay “maganda at makakalikasan.” Guest candidate lang si Loren porke nananatili siyang kasapi ng Natio-nalist People’s Coalition (NPC).

“Alyansang Maka-Tao at Maka-Kalikasan” ang battle-cry ng Team Villar-Loren sa pinagsanib  na lakas ng Na­ cionalista Party (NP) at Nationalist Peoples’ Coalition (NPC). Si Villar daw ay na-attract sa environment advocacy ni Loren at ang huli naman ay bilib sa advocacy ni Villar para sa OFWs. Naka-focus daw sa pag-aahon sa maraming Pilipino sa kahirapan, pagpapabuti sa kalidad ng edukas-yon sa bansa, at pagpapaabot sa lahat ng serbisyo-pub­liko, kabilang ang health care at livelihood support.

Si Loren, ang may-akda ng Clean Air Act at Solid Waste Management Act. Siya rin ang founding chair ng environ­mental organization na Luntiang Pilipinas at Asia-Pacific Region Champion ng United Nations pagdating sa Climate Change Mitigation at Disaster Risk Reduction.  

ALYANSANG MAKA-TAO

ASIA-PACIFIC REGION CHAMPION

CLEAN AIR ACT

CLIMATE CHANGE MITIGATION

DISASTER RISK REDUCTION

JAMBY MADRI

LOREN

LUNTIANG PILIPINAS

SHY

VILLAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with