^

PSN Opinyon

Baka puwedeng pabayaan na lang

K KA LANG? - Korina Sanchez -

ISYU na naman ang pag-awit ng Lupang Hinirang. Nata­tan-daan ninyo na binago ni Martin Nievera ang bilis at estilo ng pagkanta ng Pambansang Awit sa laban nina Manny Pacquiao at Ricky Hatton. Kinasuhan pa yata si Martin ng National Historical Institute dahil doon. Martsa ang hangarin daw ni Julian Felipe, ang sumulat ng awit, kaya hindi dapat baguhin ang bilis, lalo na ang estilo nag pag-awit. Pero sa katatapos lang na laban ni Pacquiao at Miguel Cotto, binago na naman ng La Divas, grupo ng tatlong babae, ang estilo. Madamdamin ang pagkanta kaya humaba ito sa takdang haba. Umalma na naman ang NHI, dahil wala na dapat dahilan para baguhin ang estilo dahil naging isyu na nga sa nakaraang pag-awit. Hindi na raw puwedeng sabihin na hindi nila alam ang patakaran ng NHI.

Maraming kanta na nang binago ang bilis at estilo ay lalong naging popular. Halimbawa ay ang “Bizarre Love Triangle” kilalang kanta ni Mariah Carey na binago ni David Cook. Ang “Leyla” ni Eric Clapton. Hindi ako magta­taka kung may kakanta ng “Nobody” na ibang estilo at bilis! Sa Ame­ rika, ang kanilang Pambansang Awit ay kinakanta ng iba’t ibang bersi­yon ng kung sinu-sinong mang-aawit. Kumbaga, binibigyan nila ng konting style nila, dala na rin ng damdamin sa pag-aawit nito.

Ang awit ay nagbabago rin habang dumadaan ang pa­nahon. Dati may mga awit na hindi talaga puwedeng paking­gan o awititn. Mga awit protesta. Ngayon, puwede mo nang kantahin kahit saan. Dati may mga klaseng tugtugin na hindi mo maaawit sa loob ng simbahan. Nga­yon puwede na. Ganun na rin ang Lupang Hinirang. Mar­tsa ang takbo nito noong araw, dahil sa panahon kung kelan isinulat. Ngayon, binibig-yan lang ng konting anyo para bumagay na rin sa panahon. Baka puwedeng paba­yaan na lang, dahil hindi naman bina­bastos. Maraming dapat kasuhan diyan, lalo ang mga pumun­ta sa Las Vegas para mano­od lang ng boksing. Iyon, kahit anong subok nilang magbago, ganun pa rin ang mga iyan!

vuukle comment

AWIT

BIZARRE LOVE TRIANGLE

DATI

DAVID COOK

ERIC CLAPTON

JULIAN FELIPE

LUPANG HINIRANG

PAMBANSANG AWIT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with