^

PSN Opinyon

Ang 'Edu-cated' choice ni Gibo Teodoro

- Al G. Pedroche -

WISE choice. Iyan ang masasabi ko sa pagkahirang kay Edu Manzano bilang vice presidential running mate ni Lakas-Kampi-CMD presidentiable Gibo Teodoro. Ngunit ang tanong ng marami, mahahatak kaya pataas ni Edu ang popularidad ni Gibo? Sa ngayon, isang puntos lang ang lamang ni Gibo kina Bangon Pilipinas presidential bet Bro. Eddie Villanueva at MMDA Chair Bayani Fernan­do sa latest Pulse Asia survey. Si Gibo ay mayroong 2 percent rating laban sa tig 1 percent rating nina Bro. Eddie at Bayani.

Pumatok kaya ang Gibo-Edu team? Magaling at matalino sana si Gibo pero tila setback niya ang affiliation sa GMA administration. Equally, magaling at matalino din naman si Edu. Originally, pagkasenador ang puntirya niya. But that’s politics so expect the unexpected. Tignan n’yo si Sen. Loren Legarda. Matapos tumulong patalsikin sa pwesto ang dating presidente Erap ay napabalitang magiging vp running mate ni Erap. Tapos ngayon kay Manny Villar pala siya magiging bise presidente! Daming surpresa talaga. Ito namang si Mar Roxas ay nagsasabi noon na hindi siya tatakbo sa ano mang posisyong maba­ba sa pagka-pangulo ng bansa. Ngayon dumausdus siya bilang VP ni Sen. Noynoy Aquino.

 Pinipintasan si Edu. Artista lang daw at panakip butas porke wala nang mapagpilian. Nang umatras kasi si DILG Sec. Ronnie Puno sa pagka-bise ng Lakas-Kampi-CMD, napabalitang hinimok din daw ni Gibo na maging running mate sina Batangas Gov. Vilma Santos, Sen. Bong Revilla, at  Cebu Gov. Gwen Garcia.  Pati nga si Sen. Chiz Escu­dero at Loren Legarda ay nadawit din ang mga pangalan. Pero si Teodoro mismo ang nagsabing dalawang tao lang ang kanyang nilapitan at ito     ay sina Bise Presidente Noli de Castro at si Manzano. Hindi raw nito niligawan kahit minsan ang mga nabanggit. Matalino   si Edu. Lantad nating nakita   kung paano siya magsalita ga­yundin sa kan­yang mga naka­ra-ang outstanding performance bi­lang dating vice mayor ng Ma­ka­ti at chairman ng Optical Me­dia Board. Halos itaya pa nga ni Edu ang buhay sa mga kom­prontasyon niya sa mga pirata ng DVD sa ilang pagkakataon. Maraming hindi nakakaalam na siya ay na­ging pangulo rin ng Vice Mayors League of the Philippines.  Sa kanyang tiket, siya lang ang nakalusot noon kontra tiket ni Makati Mayor Jojo Binay kaya balita, hanggang ngayon na         di pa rin lubos na nagkaka­sun­-      do ang dalawa. 

Natadhana kayang pare-ho sila ngayong kandidato bi­lang pangalawang pangulo?

vuukle comment

BANGON PILIPINAS

BATANGAS GOV

BISE PRESIDENTE NOLI

BONG REVILLA

CEBU GOV

EDU

GIBO

LOREN LEGARDA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with